July 30, 2012

Giyerang Online Part 3

Tumitingkad ang online wars sa pagitan ng mga gahamang korporasyon at mga nagsusulong ng digital rights.

Dito sa Pilipinas dalawang hunghang na mambabatas ang may panukalang tinatawag na Anti Online Piracy Act (AOPA) na halos kinopya lamang ng mga pro-capital, pro-profit congressmen na sila Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde ng Buhay Party-list.

Pero naniniwala akong tulad ng hindi pagpasa ng Stop Online Piracy Act (SOPA) sa Estados Unidos at ng Anti-Counterfeiting Trade Agreement (ACTA) sa Europe ay hindi maisasabatas ang mga panukalang ito.

Magkagayunman, naniniwala akong hindi doon matatapos ang labanang ito.

Natural kasi ang labanan ng mga korporasyon at ng mga pangkaraniwang tao ukol sa tinatawag na creative commons, o ang nalikha ng mga pangkaraniwang tao na hindi naghahangad na pagkakitaan ng sandamakmak ang kanilang musika. Sa totoo lang ang gusto lang nila ay

July 21, 2012

SONA 2012

Sa Lunes, magsasalita si Pang. Pnoy sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA). Pero ngayon pa lang ay ang daming ng epal, papansin, nagse-second guess kung ano ang sasabihin niya sa kanyang talumpati.

Minsan eh, naiisip ko tuloy na hindi na pala ito SONA kungdi SANA.

Sana ganito, sana ganoon. Sana ganiyan, sana, sana.

Kaya kahit kaming mga Taong Grasa ay hindi mahilig makiuso, makikisakay muna kami sa nauusong SANA, este, SONA.

July 19, 2012

Mina sa basura

Kaming mga Taong Grasa, mahilig kami sa recycling. Una ay wala naman kaming pambili ng mga bagay-bagay na itinuturing ng ibang tao na "necessity" sa buhay pero kung tutuusin ay hindi naman talaga kailangan.

Kaya nga ang aming mga gamit ay "recycled" at binili namin sa ukay-ukay habang ang mga technology

Natatandaan mo ba ang iyong Nokia 5110? Bago ito, natatandaan mo ba ang iyong pager. O kaya ang iyong 386 o 486 intel processor sa personal computers? How about 'yong mga mga lumang television sets mo na pinalitan mo na ngayon ng LED TV.

July 18, 2012

Stop AOPA!!!

Ang dalwang tukmol - Irwin Tieng (kaliwa) at
Mariano Michael Velarde.
Mainit ang ulo ko. At kaming mga Taong Grasa kapag mainit ang ulo may dahilan. Hindi yong tipong paggising mo ay feeling mo mainit ang ulo mo at maghapong mainit ang ulo mo.

Mainit ang ulo ko dahil dito kina IrwinTieng at Michael Velarde ng Buhay Party-list, ilan sa mga nangungunang mambabatas na pumipigil upang maisabatas ang Reproductive Health Bill.

Pero hindi ang kanilang pagpigil sa RH Bill ang nagpapainit ng bungo ko kungdi ang kanilang House Bill 6187 o Anti Online Piracy Act (AOPA) na naglalayong parusahan ang mga nagdownload ng mga online contents.

July 12, 2012

Taong Grasa Video

Habang nagse-surf minsan gamit ang wifi ng kapitbahay, naisipan kong mag-search kung may mga videos regarding sa mga tulad kong Taong Grasa.

Ilan sa mga tumambad sa aking screen ay ang mga sumusunod. Panoorin natin at pag-isipan kung ikaw ay isang Taong Grasa, ano kaya ang istorya mo?

July 11, 2012

Don't drink and gamble, an infographic

Ayon sa pananaliksik, pinakamalakas tumungga ng beer ang mga Czech. Aminado naman sila rito dahil anila ay hindi mo mahihindian ang pagtoma dahil napakasarap ng Czech Beer.

Ngunit ayon sa isa pang research na nagko-correlate sa drinking at gambling, ang mga Czech ay "biggest losers" sa sugal dahil palagi silang lasing.

Pag-aralan ang infographic sa ibaba mula sa visual.ly upang tingnan kung nasaan ka bilang tomador at sugalero.


Browse more data visualizations.

July 7, 2012

Giyerang Online Part 2

mula sa photostream ni Kalamun sa Flicker
Sa Part 1 ng Giyerang Online naisulat ko na may nagagamit ang Internet sa pag-aaklas at naranasan ito sa maraming paraan.

Sa Egypt, nagamit ito upang makapag-organisa ang mga mamamayan at mapabagsak ang rehimeng Mubarak. Ginamit din ang Internet upang mapalawak ang mga suporta sa kung ano-anong advocacies.

Hindi maitatatwa na internet ang ginamit ng Al Qaeda upang makapag-organisa. Walang pinagkaiba ito sa ginawa ng Occupy Movement, na ang ginamit ay ang mga social media platforms upang maisigaw ang kanilang mga panawagan.