Lahat naman tayo pokpok.
Ito ang isinagot sa akin ng isang kapwa Taong Grasa nang tanungin ko siya kung tama bang gawaing legal ang prostitusyon, na ayon sa United Nations ay magiging paraan upang maiwasan ang mga nakakahawang sakit dahil sa sex.
Naalala ko pa ang sinabi ng isang kaibigan. Sabi niya "May ilang paraan upang magkapera. Gamitin mo ang iyong utak, kaya kailangan mong mag-aral. Kung wala kang pinag-aralan, puwede mong gamitin ang iyong lakas. At kung wala kang lakas, puwede mong gamitin ang iyong katawa."
Tama nga naman.
Lahat naman tayo ay nagbebenta ng kung ano upang magkapera. Ang mga nagtatrabaho sa opisina, ang ibinebenta nila ay kanilang panahon at skills upang kada kinsenas ay mayroong suweldo.
Ganito rin ang ginagawa ng mga taong nagtatrabaho sa mga construction sites. Lakas at skills ng katawan ang kanilang ibinebenta upang magka-pera.
Kahit ang mga nasa pamahalaan ay ganito ang ginagawa. Ibinebenta nila ang kanilang panahon, skills o karanasan upang magampanan ang isang bagay upang mapatakbo ang pamahalaan.
Kahit si PNoy ay maituturing na pokpok. Ibinenta niya ang sarili sa taumbayan. Ginamit ang apelyidong Aquino na kilala sa bansa, maging ang legacy ng kanyang ina na si Cory.
At maraming parokyano ang kumagat dito at ngayon ay nasa Malakanyang na siya.
Sa ganitong lente, makikita nating lahat tayo ay pokpok. May ibinebenta tayo kapalit ng ilang Ninoy Aquino o kaya'y nina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Escoda.
Kung ang pagiging pokpok ay pagbebenta ng ating lakas, karanasan o kaalaman, masasabing lahat tayo ay pokpok.
Kaya't sang-ayon ako na gawaing legal ang prostitusyon na mas politically correct na tawaging sex related industry dahil wala namang pinagkaiba sa atin ang mga nagbebenta ng aliw kapalit ng pera. At ang dapat itawag sa kanila ay sex workers.
Katunayan, mas makakatulong pa ang legalisasyon ng prostitusyon upang mapaganda ang buhay ng mga Pinay at Pinoy na ganito ang trabaho. Opo, ang pagiging pokpok ay isang trabaho at kung ito ay trabaho dapat ang mga pokpok ay mayroon health insurance, social security at kung maaari ay retirement benefits tulad ng pension.
Kapag legal ang prostitusyon, makikinabang ang mga pokpok at pamahalaan. Sa mga pokpok, matutugunan ang mga usapin ukol sa work related violence at work related safety concerns.
Sa pamahalaan, madagdagan ang buwis dahil makakakuha na ang pamahalaan ng income tax at value added tax dahil considered na kasama sa service sector ang trabaho ng mga pokpok.
Sang-ayon ka man o hindi sa puntong ito ang dapat mong itanong sa sarili ay "Anong klaseng pokpok ba ako?"

No comments:
Post a Comment