Tumitingkad ang online wars sa pagitan ng mga gahamang korporasyon at mga nagsusulong ng digital rights.
Dito sa Pilipinas dalawang hunghang na mambabatas ang may panukalang tinatawag na Anti Online Piracy Act (AOPA) na halos kinopya lamang ng mga pro-capital, pro-profit congressmen na sila Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde ng Buhay Party-list.
Pero naniniwala akong tulad ng hindi pagpasa ng Stop Online Piracy Act (SOPA) sa Estados Unidos at ng Anti-Counterfeiting Trade Agreement (ACTA) sa Europe ay hindi maisasabatas ang mga panukalang ito.
Magkagayunman, naniniwala akong hindi doon matatapos ang labanang ito.
Natural kasi ang labanan ng mga korporasyon at ng mga pangkaraniwang tao ukol sa tinatawag na creative commons, o ang nalikha ng mga pangkaraniwang tao na hindi naghahangad na pagkakitaan ng sandamakmak ang kanilang musika. Sa totoo lang ang gusto lang nila ay
Ang mga ganid na korporasyon gusto nilang pagkakitaan ang mga nalikhang sining mula sa awit hanggang sa software. Pero ang mga pangkaraniwang tao, nais nilang payabungin ang mga sining na ito. Ang tawag dito ay collaboration at ang sa mga korporasyon ay digital rights management.
Kapag sinabi mong management, ibig sabihin ay may control. Gustong kontrolin ng mga korporasyon upang lalo pang pagkakitaan ang mga awiting anila'y pag-aari nila.
Kung aawit ako ngayon ng isang Beatles song o kaya'y isang awitin ng Maria Kapra o ng Juan dela Cruz, dapat kong bayaran ang sinumang Pontio Pilatong na may hawak ng copyright nito.
Maliban sa original song, nais ng mga may karapatan sa mga awiting ito na pagkakitaan maging ang mga karaoke at videoke versions. Maging ang paggamit nito sa iba't ibang uri ng sining tulad ng ibang klase ng musika, pelikula at maging stage play ay dapat bayaran.
Ayon sa mga pumupuna sa ganitong kalakaran, sobra-sobra na ang kinita ng mga copyright holders sa mga awiting ito at dahil sa ganitong kalakaran. Idinagdag pa nila na dahil sobrang sikat ng ilan sa mga awiting ito, pumasok na ito sa public sphere at hindi na ito sakot ng copyright.
Tayong mga Taong Grasa, dapat nating labanan ang ganitong kasakiman. Ipaglaban ang ating karapatan.

No comments:
Post a Comment