Sa Lunes, magsasalita si Pang. Pnoy sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA). Pero ngayon pa lang ay ang daming ng epal, papansin, nagse-second guess kung ano ang sasabihin niya sa kanyang talumpati.
Minsan eh, naiisip ko tuloy na hindi na pala ito SONA kungdi SANA.
Sana ganito, sana ganoon. Sana ganiyan, sana, sana.
Kaya kahit kaming mga Taong Grasa ay hindi mahilig makiuso, makikisakay muna kami sa nauusong SANA, este, SONA.
Sa totoo lang, humanga kaming mga Taong Grasa sa mga naunang SONA ni PNoy, mantakin mong ang ginamit niyang wika sa talumpati ay Pilipino at nagpasimula pa ng mga meme tulad ng "utak wangwang" o "kayo ang boss ko".
At tinotoo naman niya ang ilang mga pangako tulad ng paghabol kay Gloria Macapagal Arroyo, na ngayon ay nasa "hospital arrest". Napalayas na rin ang mga nagbibigay ng proeksyon kay GMA tulad ng nag-resign na Ombudsman na si Merceditas Gutirrez at ang impeached SC justice na si Renato Corona.
Pero sa darating niyang SONA, sa tingin ko ay hindi na papatok itong mga tiradang anti-GMA dahil nagawa na niya ito.
Dapat ay bago naman. Hindi pa bagong taon, pero kaming mga Taong Grasa ay mahilig sa wish list dahil ito lang ang kaya naming gawain, mag-wish.
Narito ang wish list ko para sa SONA ni PNoy:
1. Muli siyang magsalita sa wikang Pilipino, para maintindihan naming mga Taong Grasa ang kanyang mensahe.
2. Kumuha siya ng ka-tandem habang nagsasalita yong tipong Dolphy at Panchito ang style. Minsan kasi masyadong seryoso eh. Kailangan natin ng comic relief kahit sa mga seryosong usapin.
3 .Maghahain siya ng batas upang maging mas mura ang red rice. Ito lang kasi ang pula na puwedeng kainin ng mga Taong Grasa na makakatulong sa amin. Hindi na namin pinapangarap uminom ng red wine at magsuot ng red tab ng Levis o kumain ng seedless red grapes.
4.Kaysa sumakay sa helicopter ay gumamit ng kariton patungo sa Congress. Kapag ginawa mo ito, diyos na ang tingin namin sa iyo.
5. Bigyan ng tax free status ang mga ukay-ukay dahil ang mga ito ang aming paboritong tindahan.
6. At ang pinakahuli, kilalanin ang naiaambag ng mga Taong Grasa sa ekonomiya. Opo, kung hindi ninyo alam, milyon-milyong piso ang aming ambag mula sa recyling ng gamit pambahay, electronic gadgets at pagpag.

No comments:
Post a Comment