July 19, 2012

Mina sa basura

Kaming mga Taong Grasa, mahilig kami sa recycling. Una ay wala naman kaming pambili ng mga bagay-bagay na itinuturing ng ibang tao na "necessity" sa buhay pero kung tutuusin ay hindi naman talaga kailangan.

Kaya nga ang aming mga gamit ay "recycled" at binili namin sa ukay-ukay habang ang mga technology

Natatandaan mo ba ang iyong Nokia 5110? Bago ito, natatandaan mo ba ang iyong pager. O kaya ang iyong 386 o 486 intel processor sa personal computers? How about 'yong mga mga lumang television sets mo na pinalitan mo na ngayon ng LED TV.


Naisip mo na ba kung saan napunta ang mga ito noong idinispatsa mo o kaya ay ibinigay sa "bote-bakal" guy?

Pero alam ninyo ba na ayon sa research, may 320 tons na ginto sa tinatawag na "urban mines" ngunit sa kabila nito, 15 porsyento lamang ang namimina mula sa mga e-waste.

Ang 320 tons na ginto at silver na nakalagak sa mga e-waste ay tinatayang aaabot ng $21 bilyon taon-taon, ayon sa pag-aaral na ginawa ng Global e-Sustainability Initiative.

Ayon pa sa pag-aaral, ang mga "deposits" sa e-waste ay higit ng 40-50 porsyento dami kumpara sa mga namimina.

Pero bakit tila hindi binibigyang pansin ang pagmimina ang mga ginto at pilak sa mga e-waste.

Mayroon namang gumagawa nito. Katunayan ang mga e-waste mula sa mayayamang bansa ay dinadala sa mga developing nations tulad ng Pilipinas. Ngunit kulang pa rin ang ginagawang "pagmimina" dahil nasasayang ang mahigit 75 porsiyento na dapat ay na-recycle na mga materials dahil sa kakulangan ng mga tamang teknolohiya.

Dahil dito naisip ko tuloy na hindi na pala kailangang minahin ang mga bundok kung "mamimina" uli ang mga nagamit ng mga mineral ores sa mga technology gadgets.

At bilang isang Taong Grasa, naisip ko na puwede pala talagang pagkakitaan, este, pagminahan ang mga basura.

No comments:

Post a Comment