mula sa photostream ni Kalamun sa Flicker |
Sa Egypt, nagamit ito upang makapag-organisa ang mga mamamayan at mapabagsak ang rehimeng Mubarak. Ginamit din ang Internet upang mapalawak ang mga suporta sa kung ano-anong advocacies.
Hindi maitatatwa na internet ang ginamit ng Al Qaeda upang makapag-organisa. Walang pinagkaiba ito sa ginawa ng Occupy Movement, na ang ginamit ay ang mga social media platforms upang maisigaw ang kanilang mga panawagan.
At dahil malaya ang Internet, hindi lamang mga political na panawagan at organizing ang puwedeng gawain sa cyberworld. Dito rin pumapasok ang pamimirata, ang pagkopya ng mga files na diumano'y pag-aari ng iba't ibang kumpanya.
Kasama sa mga napipirata ay ang mga digital versions ng mga libro, movies, music, photos at kung ano-ano pa.
Dahil dito, nagsimula ng sariling rebolusyon ang mga korporasyon at mga pamahalaan upang makontrol ang paggamit ng internet.
Sa kasalukuyan ay hindi pa lubusang nagtatagumpay ang mga pamahalaan maliban sa China, na kung saan may mga tinatawag na internet censorship. Nangangahulugan ito na kung nasa China ka, hindi mo mase-search ang Tiananmen Square uprising.
Sa Estados Unidos at ibang bansa sa Kanluran, sinusubukan din ng mga galamay ng pamahalaan na kontrolin ang Internet, hindi lamang dahil sa pampulitikang dahilan kungdi magng pang-ekonomiya o negosyo.
Naging malaking usapin ang SOPA o ang Stop Online Piracy Act sa Estados UNidos nitong mga nakaraang buwan. Layunin ng SOPA na palawakin ang kapangyarihan ng mga government agencies upang labanan ang piracy at paggamit ng mga copyright materials na walang pahintulot.
Hindi ito nagtagumpay dahil hindi ito sinuportahan ng mga korporasyon kumikita sa internet. Sa katunayan ang mga may nais lamang na maipasa ito ay ang music at movie industry sa Esatos Unidos.
Hindi rin nagtagumpay ang version ng SOPA sa Europe na mas kilalala bilang ACTA o Anti-Counterfeiting Trade Agreement. Ayon sa Wikipedia ang ACTA y "is a multinational treaty for the purpose of establishing international standards for intellectual property rights enforcement. The agreement aims to establish an international legal framework for targeting counterfeit goods, generic medicines and copyright infringement on the Internet, and would create a new governing body outside existing forums, such as the World Trade Organization, the World Intellectual Property Organization, or the United Nations."
Hindi ito nagtagumpay dahil hindi ito sinuportahan ng mga mamamayan sa Europe.
Dito sa Pilipinas, wala pang ganitong mga batas. Pero ang hindi alam ng marami ay dahil ang mga malalaking kumpanya na nasa internet ay mula sa Estados Unidos at Europe, anumang batas na magtatakda ng copyright enforcement ay siguradong makakaapekto sa mga Pinoy.
Dahil dito ay kasama tayong mga Pinoy na nagbabantay sa mga internet copyright censorship dahil sa dulo tayo ang apektado dahil tayong mga mahihirap na bansa ay may mas malaking pakinabang sa mga piratang software na kemamahal kung ating bibilhin.
Sa susunod na mga araw ay tatalakayin pa sa blog na ito kung ano ang puwedeng gawain sa internet upang mapangalagaan ang ating digital rights at kung paano maisusulong ang iba't ibang adbokasya natin.
No comments:
Post a Comment