Isa sa mga hinangaan kong singer ay si Alanis Morissette, ang Canadian singer na nagpauso ng mga awiting Hand in my Pocket, Ironic, You Ought to Know at marami pang awiting matutunghayan sa "Jagged Little Pill" album na lumabas noong 1995.
Pero, tulad naming mga taong grasa, napaka-bibo pala nitong si Alanis na sa napakabatang edad ay kung ano-anong mga tula ang nililikha.
Hindi nakakapagtaka na bumenta ng 33 million copies ang "Jagged Little Pill" dahil sa napagandang lyrics bukod sa nakakaaliw na musika ng mga awitin.
Sa "The Mortified Sessions" sinabi ni Alanis na nagsimula ang kanyang hilig sa pagsusulat noong siya ay musmos pa lamang.
Dahil dito, nagsimula ang kanyang kagalingan sa paglikha ng makabagbag damdaming mga lyrics sa mga isinulat na awitin.
Saludo kami sa yo Alanis, isa kang tunay na taong grasa.
mabuti na lang nilikha nya ang "Jagged Little Pill", kundi sya sana ang naging Canadian Debbie Gibson.
ReplyDeletehttp://www.youtube.com/watch?v=ar7afdfBHj4