Photo from Philippine Information Agency. |
Kinakabahan
ako. Parang matatae, na parang maiihi, na parang nagugutom, na parang malabo.
Pero pursigido na ako itutuloy ko ang aking laban. Hindi ako aatras. Hindi ako
aayaw.
Maya-maya
ay naging kalmado na ako. Okey na ako nakumbinsi ko na ang sarili ko na hindi
masasaktan sa aking laban. Pero may isang buwiset na lalakeng nasa loob ng
kwarto ang sumigaw ng “P#+@#6 !@# ANG SAKIT!!”. Bumalik na naman sa akin ang
bwiset na pakiramdam. Walang hiya naman to oh, okey na ako eh. Tapos bigla sya
magsisisigaw sa loob ng kwarto ng ganun. na Ayan narinig ko na ang pangalan ko.
Habang lumalapit sa pinto ay lalo pang nagwala na parang praning ang dibdib ko.
Pagpasok ko ng pinto ay nakita ko na ang mga gagamitin para sa aking laban na
kakaharapin. Gunting na baluktot, injection, gasa, at iba pang mga kagamitan.
Lalo ng nagkagulo ang aking pakiramdam, nag-away ang kaba, tuwa at saya at lalo
akong nalito. Pero alam ko sa sarili ko na handing-handa na ako. Kaya pagpasok
ko ay agad akong humiga.