April 13, 2012

Trapo ka Manny Pacquiao


Sa aming mga Taong Grasa, mahalaga ang pagiging makabago. Ayaw namin ng istilong trapo o traditional politician.

Yong bang palipat-lipat ng partido upang maisulong lamang ang makasariling agenda sa pagiging politiko.

Kaya hindi namin nagustuhan mga Taong Grasa ang balitang lilipat na naman ng partido si Cong. Emmanuel Pacquiao.

Mantakin mong mula sa pagiging kapartido ni GMA noong panahong ang nakabilanggong dating pangulo ay nasa kapangyarihan, lumipat si Pacquiao sa Nacionalista Party ng natalong presidential candidate na si Senator Manny Villar.


Ngayon ang balita ay tatakbo ang batikang boksingero bilang Gobernador ng Saranggani sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino - Lakas ng Bayan.

Kung magkakaganito, sa tingin ko ay tama ang basa ng marami na walang pinagkaiba si Pacquiao sa mga Trapo.

Ang balita sa Saranggani sa huli kong pagbisita sa magandang lalawigan, ginamit ni Pacquiao ang kanyang pera. Sinuportahan ang magkakalabang mayor sa mga bayan ng Saranggani upang masigurong mananalo siya bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Saranggani.

Kung ito ay totoo, trapong-trapo talaga sa Pacquiao. Hayok na hayok sa kapangyarihan at lahat gagawain makahawak lang ng kapangyarihan.

Manang-mana sa kanyang mga political mentor na si GMA at Manong Luis Crisologo Singson na mas kilala sa pangalang Chavit.

At kung totoo man ito, masasabi kong naglaho na ang paghanga ko sa PDP-Laban bilang isang partido. Ang ganda ng simula ng PDP-Laban noong sila ay hindi pa napapasok ng mga tradpols at noong si Vice President Jojo Binay ay may prinsipyo at konsensiya pa.

Magsama-sama na kayong mga tradpols sa PDP-Laban, walang maasahan ang mga Taong Grasa sa inyo.


No comments:

Post a Comment