April 18, 2012

Virgins for Putin

 














Malapit na midterm elections, halos isang taon na lang. At ayon sa mga dalubhasa rito sa bansa ukol sa pinakamalaking sugal na tinatawag ring halalan, ito rin ang panahon ng tinatawag na pre-campaign campaigning.

Ito yong pangangampanya bago ang opisyal na kampanyahan. Kaya nga hindi nakakapagtaka kung bakit lumabas sa top 10 ng mga choices si Jackie Enrile para sa pagka-senador dahil hindi lang siya nag-pre campaign campaigning nag-pre campaign, pre campaign campaigning pa siya. 

Ayon sa mga kapwa Taong Grasa, kung saang mga lupalop ng bansa nakikita si Jackie at kung ano-anong festival at fiesta ang dinadaluhan upang makita ng mga tao.

Pero sa  Russia, sa nakaraang halalan ibang klase ang naging kampanya. Mantakin mong si Russian Vladimir Putin ay nangampanya sa mga Russian Virgins. Mapapanood sa itaas ang campaign ad ni Putin at nasa ibaba ang translation

Fortune teller [0:01]: Ngayon o aking kagandahan ay makikita natin ang itinakda sa iyo ng kapalaran.

Young woman [0:06]: Gusto kong ito ay dahil sa pag-ibig dahil alam po ninyo, first time ko ito.

Fortune teller [0:17]: Sasabihin ng mga baraha ang kototohanan [0:20] at nakikita ko na ito nga ay para sa pag-ibig at walang kasinungalingan.

Young woman [0:28]: Siya nga nga!!!

Fortune teller [0:32]: Liligaya ka sa kanya. Poprotektahan ka niya tulad ng isang fortress.

Pagkatapos nito, nakita natin ang babae na papalapit sa isang building na na may nakapaskel na “Voting precinct.”

Tagline: “Putin.  The first time, only for (heart symbol).”


No comments:

Post a Comment