Photo from Philippine Information Agency. |
Kinakabahan
ako. Parang matatae, na parang maiihi, na parang nagugutom, na parang malabo.
Pero pursigido na ako itutuloy ko ang aking laban. Hindi ako aatras. Hindi ako
aayaw.
Maya-maya
ay naging kalmado na ako. Okey na ako nakumbinsi ko na ang sarili ko na hindi
masasaktan sa aking laban. Pero may isang buwiset na lalakeng nasa loob ng
kwarto ang sumigaw ng “P#+@#6 !@# ANG SAKIT!!”. Bumalik na naman sa akin ang
bwiset na pakiramdam. Walang hiya naman to oh, okey na ako eh. Tapos bigla sya
magsisisigaw sa loob ng kwarto ng ganun. na Ayan narinig ko na ang pangalan ko.
Habang lumalapit sa pinto ay lalo pang nagwala na parang praning ang dibdib ko.
Pagpasok ko ng pinto ay nakita ko na ang mga gagamitin para sa aking laban na
kakaharapin. Gunting na baluktot, injection, gasa, at iba pang mga kagamitan.
Lalo ng nagkagulo ang aking pakiramdam, nag-away ang kaba, tuwa at saya at lalo
akong nalito. Pero alam ko sa sarili ko na handing-handa na ako. Kaya pagpasok
ko ay agad akong humiga.
Habang
nakahiga patuloy pa din sila sa pag-aayos ng kanilang mga kagamitan. Nagsuot na
sila ng gloves para hindi bakat ang fingerprints. Nagsuot ng mascara para ata
hindi ko mamukhaan. Nainip ako kaya bumangon ako sa pagkakahiga, ngunit
pinabalik nila ako sa aking pagkakawesto.
Ilang
sandali pa ay tinakpan na nila ang kalahati ng aking katawan. Pero hindi ako
pumyag, sabi ko “pakitanggal naman po yun harang. Gusto ko Makita yun gagawin
nyo.” Sabi naman ng lalaking nakamaskara sa akin ay “aba boy, matapang ka
ha.Hindi pwede! Higa ka lang jan”. Matagal tagal din akong nakahiga at wala
akong ibang naririnig kundi “injection, Scissor, needle, etc, etc”. Naiinip na
ako parang wala naman nangyayari para lang silang nagkukwentuhan sa likod ng
harang.
Matapos
ang ilang saglit ay tapos na ang ginagawa nila sa akin. Sa isip-isip ko lang
“yun na yun?” Habang inaayos ko ang shorts ko ay may naisip akong gawin. Bigla
akong sumigaw ng “P#+@#6 !@# SOBRANG SAKIT!!” . Wala lang, gusto ko lang
takutin yun mga nasalabas na naghihintay ng pagkakataon nila. Nagulat ang mga
nakamaskara ,sabay ngiti ko naman. Paglabas ko ng pinto ay walang tao ako na
pala ang huli. Sayang hindi ako nakabawi. Pero ayos lang dahil sa wakas binata
na ako. Hindi na ako kakantahan ng “nanliligaw ka na, hindi ka pa tule,
magpatule ka na, para tigas. . .”
Pag-uwi ko sa bahay ay gutom na ako kaya agad akong kumain. Maya-maya ay natulog na ako.
Pag-uwi ko sa bahay ay gutom na ako kaya agad akong kumain. Maya-maya ay natulog na ako.
Habang
natutulog ako ay ginising ako ng aking nanay. Sabi nya “magpalit ka na ng gasa,
patulong ka sa kuya mo”. Pagbangon ko ay nagulat ako dahil basang-basa ako sa
sarili kong dugo (hindi ako nagkamali, naging sobrang madugo nga). Agad akong
pumunta ng banyo para maglinis at magpalit ng gasa. Nung una ay tinutulungan pa
ako hanggang sa ako na ang nagpapalit ng gasa ko. Nang gumaling na ang sugat ay
sinabi ko sa sarili ko na “Ito na ang simula, handa ng akong manggahasa.” Biro
lang yun.
bwahahahahahahaa.
ReplyDelete