April 30, 2012

The Early Bird?


ang larawan ay mula sa http://ffffound.com.
Disclaimer: ang anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay pawing kamalasan mo lamang.

Noong nasa high school ako may kaklase akong laging maaga pumasok . Madalas sya ang unang nakikita nang aming teacher. Dahil dito sya ang nabansagan na early bird. Dahil sa aga nyang pumasok madalas ay sya ang nauutusan na maglinis ng kalat sa room o kaya ay magdilig ng halaman sa labas. Dahil sa medyo mahinang umintindi ay madalas ay napapagalitan sya ng guro dahil hindi nagawa ang inuutos sa kanya. Dahil sa mga ganung pangyayari ay pinili na lang nyang mahuli sa klase hanggang sa ito ang maging dahilan ng kanyang pag-bagsak sa subject.

“The early bird” madalas tawag sa tao na maaga sa kahit anong aspeto ng buhay. Kung ikaw ay maagang pumapaok sa eskwela o opisina ikaw ay early bird.  Hango sa idiomatic expression na “The early bird catches the worm.” Kung tanghaliin ba ang ibon ay wala na syang mahuhuling uod? Ibig sabihin sa umaga sila may nakukuhang uod dahil maaga din itong lumalabas. Ibig sabihin, hindi lang ang ibon ang maagap maging ang uod ay maagap din.

Kaya wag mo masyado ipagyabang na maagap ka, dahil baka hindi pala ikaw ang early bird, sa halip ay ikaw ang worm na kakainin lang ng ibon.

No comments:

Post a Comment