November 26, 2012

Reyna ng mga Taong Grasa

Mahilig kaming mga Taong Grasa sa magaganda.

Kaya't hindi namin napigil ang mga sarili na pagdebatehan kung ano ang pinakamangandang larawan ni KC Concepcion sa kanyang Tanduay Calendar.

Si KC, anak ng isa pa naming idol na si Sharon Cuneta sa nalaos na artistang si Gabby Conception, ay hindi lang kasi pang-showbiz. Natatandaan namin na siya ay ginawang ambassador ng UN para sa ilang program.

By the way may twitter account nga pala si KC at puwede ninyo siyang sundan dito @kc_concepcion.

Sa inyong pananaw, anong larawan ni KC, ang itinuturing na reyna ng mga Taong Grasa, ang pinakamaganda sa inilabas ng ABS-CBN?

November 15, 2012

Makabayan?

MALAKING usapin ang Sin Tax Bill ngayon.

Kung ating matatandaan, nag-resign si Sen. Ralph "Morris" Recto dahil marami ang bumanat sa kanya ukol sa mababang pagtatalaga ng buwis na ipapataw sa yosi at alak.

Hindi kasi na-gets ni RalphMorris na ang Sin Tax Bill ay hindi lamang usapin ng buwis, ito ay usapin ng kalusugan.

Totoo naman kasing napakamura ng mga sigarilyo at alak sa Pinas.

Kayang-kayang magpakalunod ng mga Pinoy sa alak dahil napakaliit ng buwis. Kayang-kaya ring magpaka-adik ng mga Pinoy sa yosi dahil napakamura nito dahil napakaliit ng buwis na ipinapataw dito.

Guns, Goons, Gold and Gals

Isang pambihirang pangyayari ang tumambad sa madlang pipol.

Imagine, biglang naglabas ng pagsuporta ang Makabayan syndicate sa limang senatorial candidates - ito ay sina incumbent senators Francis “Chiz” Escudero, Aquilino “Koko” Pimentel at  Loren Legarda, dating  Las Pinas lawmaker Cynthia Villar and MTRCB chairperson Grace Poe-Llamanzares.

Pambihira ito dahil napakalayo pa ng halalan. Halos anim na buwan pa ito mula ngayon.

Sabi ng isang kapwa Taong Grasa, pamumultika daw ito at fund raising.

November 11, 2012

CPP lumantad kontra Akbayan, banat ng NPA maaasahan?

Kabataan Party bullies directs their unspent anger on Akbayan Party.
Nitong mga nakaraang araw ay may napansin kaming mga Taong Grasa habang nagbabasa ng mga lumang peryodikong aming nakalap sa aming "recycling" operations.

Maniwala man kayo o hindi, binabasa namin ang mga persyodikong aming nakakalap bago ito dalhin sa mga "recycling" shops.

Tuwang-tuwa kami sa biruan kapag nagagawi kami sa "bullying" session ng Makabayan Party - binubuo ng Bayan Muna, Kabataan, Gabriela, Anakpawis, Akapbata, Kalikasan, ACT Teacher, Migrante at iba pang kasama sa sindikato ng dulong kaliwa - sa Akbayan Party.

November 7, 2012

Sabwatang GMA, Makabayan Party ibinulgar ni Tiglao?

Kilala mo ba si Bobby Tiglao?

Si Bobby Tiglao ang dating tagapagsalita ng "nakakulong" na pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo.

Itinalaga rin siya ni GMA bilang ambassador sa Greece. Ngunit napauwi si Tiglao dahil inireklamo siya ng mga overseas Filipinos na nagtatrabaho sa Greece sa tulong ng Akbayan Party.

Nitong nakaraang linggo ay parang bumubula ang bibig nitong si Tiglao at binanatan muli ang kanyang paboritong punching bag - ang Akbayan Party - na paborito ring i-bully ng Makabayan syndicate - sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer.

Katunayan, nai-share pa ng Kilusang Mayo Uno ang column ni Tiglao sa twitter. Ibig sabihin nito ay sang-ayon sila kay Tiglao.

Kung ano man ang dahilan ng KMU at pinaniwalaan nila si Tiglao, sila na ang nakakaalam noon. Siguro dahil dating kasapi ng Communist Party of the Philippines (CCP) si Tiglao kaya medyo malapit sila sa isa't isa.