November 7, 2012

Sabwatang GMA, Makabayan Party ibinulgar ni Tiglao?

Kilala mo ba si Bobby Tiglao?

Si Bobby Tiglao ang dating tagapagsalita ng "nakakulong" na pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo.

Itinalaga rin siya ni GMA bilang ambassador sa Greece. Ngunit napauwi si Tiglao dahil inireklamo siya ng mga overseas Filipinos na nagtatrabaho sa Greece sa tulong ng Akbayan Party.

Nitong nakaraang linggo ay parang bumubula ang bibig nitong si Tiglao at binanatan muli ang kanyang paboritong punching bag - ang Akbayan Party - na paborito ring i-bully ng Makabayan syndicate - sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer.

Katunayan, nai-share pa ng Kilusang Mayo Uno ang column ni Tiglao sa twitter. Ibig sabihin nito ay sang-ayon sila kay Tiglao.

Kung ano man ang dahilan ng KMU at pinaniwalaan nila si Tiglao, sila na ang nakakaalam noon. Siguro dahil dating kasapi ng Communist Party of the Philippines (CCP) si Tiglao kaya medyo malapit sila sa isa't isa.


Ang tanong ay bakit magkamukha ng mensahe ang column ni Tiglao at ng dulong kaliwa, kasama na rito ang mga legal at underground movements na mga organisasyon nito?

Ibig bang sabihin nito ay may kasunduan ang Makabayan at ang grupo ni GMA na magkasamang banatan ang Akbayan?

Tandaan natin na hindi ito ang unang pagkakataon na magkasama sa isang proyekto ang Makabayan at si GMA, na kunwari'y binabatan pa ng dulong kaliwa pero kakampi naman pala.

Noong isinulong ni GMA ang People Power Coalition noong 2001 pagkaraan ng EDSA 2, nagsama ang Bayan Muna at si GMA para isulong ang kandidatura ng ngayo'y nakakulong ng si Gloria.

Pero may masakit na nangyari pagkaraan ng halalan.

Dahil nakilala ng militar kung sino ang mga operators ng Bayan Muna, isa-isa itong pinagpapatay ilang buwan matapos ang halalan at pagkaraang bumaliktad ang Bayan Muna laban kay GMA.

Kaya nga kung may dapat na kalaban ang Makabayan syndicate, ito ay dapat si GMA at ang mga alipores nitong tulad ni Tiglao.

Pero nakakapagtaka. Tila hindi natututo ang Bayan Muna leaders at ang mga operators nito. Muli ay nakipagkasundo sila kay GMA.

Sabi nga nila, naulit lamang ang kasaysayan. Pero ibig bang sabihin nito ay natural na kakampi ng Makabayan Party ang mga tulad ni GMA at natural ding kalaban ng Makabayan ang mga tuald ng Akbayan?

Nakakaawa naman ang Akbayan Party. Napagkaisahan na naman. Tsk, tsk, tsk.

No comments:

Post a Comment