November 15, 2012

Guns, Goons, Gold and Gals

Isang pambihirang pangyayari ang tumambad sa madlang pipol.

Imagine, biglang naglabas ng pagsuporta ang Makabayan syndicate sa limang senatorial candidates - ito ay sina incumbent senators Francis “Chiz” Escudero, Aquilino “Koko” Pimentel at  Loren Legarda, dating  Las Pinas lawmaker Cynthia Villar and MTRCB chairperson Grace Poe-Llamanzares.

Pambihira ito dahil napakalayo pa ng halalan. Halos anim na buwan pa ito mula ngayon.

Sabi ng isang kapwa Taong Grasa, pamumultika daw ito at fund raising.


Tama ang kakosang Taong Grasa.

Pabor para kay Teddy na suportahan sina Chiz, Grace Poe at Loren. Malaki ang suporta ng taumbayan sa tatlong ito at inaasahan ng Makabayan syndicate na maaambunan ng suporta ang kanilang pambato.

Natural namang suportahan ng Makabayan syndicate si Cynthia dahil nakatropa na ng kanyang mister ang Makabayan sa nakaraang halalan, kung kailan lumangoy sa batikos itong si Manny at ang kanyang pamilya dahil sa mga "land grabbing" cases.

Malaking halaga ng salapi ang ginugol ng mga Villar sa nakaraang halalan sa Makabayan syndicate.

Bagamat natural na magkakampi, nakakapagtaka naman kung bakit patuloy na sinusuportahan ng Makabayan syndicate, na diumanoy isang partidong may prinsipyo, ang mga landgrabbers.

Bakit naman kaya sumang-ayon ang mga nangunguna sa survey na pulitikong si Chiz, Loren at Grace Poe. Kailangan pa ba ng dalawang senador ng tulong mula sa isang grupong itinuturing na dulong kaliwang partido sa bansa?

Maliban kasi sa pera, kailangan ding ma-secure ang mga boto laluna sa kanayunan, di ba?

So kung kakampi o inindorso ka ng Makabayan at ni Teddy Casino, siguradong may proteksyon ka sa mga lugar na kung saan kumikilos ang mga grupong may armas.

Tama ang isang Taong Grasa na bansagang Makabayan 4G party ito. Guns, goons, gold and gals.

No comments:

Post a Comment