November 15, 2012

Makabayan?

MALAKING usapin ang Sin Tax Bill ngayon.

Kung ating matatandaan, nag-resign si Sen. Ralph "Morris" Recto dahil marami ang bumanat sa kanya ukol sa mababang pagtatalaga ng buwis na ipapataw sa yosi at alak.

Hindi kasi na-gets ni RalphMorris na ang Sin Tax Bill ay hindi lamang usapin ng buwis, ito ay usapin ng kalusugan.

Totoo naman kasing napakamura ng mga sigarilyo at alak sa Pinas.

Kayang-kayang magpakalunod ng mga Pinoy sa alak dahil napakaliit ng buwis. Kayang-kaya ring magpaka-adik ng mga Pinoy sa yosi dahil napakamura nito dahil napakaliit ng buwis na ipinapataw dito.


Base sa karanasan ko sa pagbiyahe sa labas ng bansa, opo kaming mga Taong Grasa ay nakakabiyahe rin sa labas ng bansa, talaga namang napakamura ng yosi rito kumpara sa mga developed countries.

Isang halimbawa nito ay sa Hong Kong. Umaabot sa 50 hongkong dollars ang isang paketeng sigarilyo sa Hongkong na kung isasalin sa piso ay aabot ng halos P350. Ibig sabihin nito, P35 kada stick.

Kung ganito kalaki ang halaga ng yosi sa Pilipinas, sigurado akong bababa ang bilang ng mga magyo-yosi at mababawasan ang mga sakit na dulot nito.

Sa alak naman, halos ganito rin ang sitwasyon. Napakamahal ng mga alak sa mga developed countries. Kaya nga mga Kano at mga European kapag nasasalta sa Pinas, walang ginawa kungdi magpakalango. Mura kasi.

Nais ng gobyerno na maging unitary ang basehan sa alak. Ibig sabihin, magiging pantay ang ipapataw na buwis sa mga lokal na alak at mga ini-import. Sa ganitong paraan, halos magiging magkasing halaga ang mga alak na iniaangkat at ginagawa sa Pilipinas.

Pero nakakapagtaka na humataw ang Makabayan syndicate - kasama ang Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, Kabataan, ACT Teacher, Akap Bata at iba pa nilang kakosa - laban sa pagtaas ng Sin Tax.

Sa tingin ko ang ibig sabihin nito ay payag ang Bayan Muna na magka-lung cancer at liver cancer ang mga Pinoy. Akala ko ba para sila sa masa? Paano na ang bayan kung puro may sakit? Nasaan ang ang sinasabi nilang Bayan muna bago sarili?

Ganito rin ang ipinapakita ng Gabriela sa paglaban sa Sin Taxm gayundin ang Anakpawis at Kabataan.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit maging ang mga guro na bumubuo sa ACT Teacher ay sumang-ayon sa ganitong linya. Para kasing hindi mga guro na dapat ay kapakanan ng mga mag-aaral ang inuuna.

Eh paano naman ang Akap Bata? Kunwari pang nagsusulong ng kapakapanan ng mga bata eh hindi naman nilalabanan ang pagkalat ng mga sakit na dulot ng alak at sigarilyo.

Ano kaya ang nangyari at nagkaganito ang Makabayan syndicate? Ganito talaga ang nangyayari kung puro kontra at hindi nag-iisip.

No comments:

Post a Comment