January 31, 2012

Hari ng Lumpo goes viral


Tuwang-tuwa kaming mga Taong Grasa sa video na ito. Hari ng lumpo na maituturing na isang viral video ngayong sa You Tube.

Mantakin mo namang habang isinusulat ito ay umabot na sa 1,124,645 ang nanood ng video, na isang parody ng orihinal na trailer para sa orihinal ng pelikulang Hari ng Tondo.

Inawit ng batikan at paborito naming rapper na si Gloc 9 kasama si Denise Barbacena ang orihinal na musika.

Pero ang nakakapagtaka, mas marami pang hits ang parody na nilikha ng AllStar Productions kaysa sa Original Sound Track video.

Itinuturing naming mga Taong Grasa ang mga lumikha ng video na ito. Better than the original he he he.

By the way may facebook account ang AllStar Production at puwede ninyo itong bisitahin. May merchandising na rin sila.

Mabuhay kayong mga idolo ng mga Taong Grasa.

Narito pala ang OST na mayroon lamang mahigit 200,000 hits na napakababa kung ikukumpara sa ginawa ng AllStar Productions.




January 30, 2012

Duda kay Donna

Masakit umano kay Donna Policar na pagdudahan ang kanyang istorya.

Ayon sa reporter sa isang panayam ng DZMM, sinabi ni Policar na mismong siya ang kumuha ng larawan ni Sec. Ronald Llamas habang ito ay nagba-browse ng mga DVD sa Circle C.

Ayon pa kay Donna, isang beteranong mamahayag na nagsulat para sa Philippine Post, Manila Times at Philippine Tribune bago nagtrabaho para sa Bandera, ay nagkataon lamang na siya ay nasa Circle C noong si Sec. Llamas ay napadako sa lugar na iyon.

Puwede naman talagang mangyari ang bagay na iyon. 'Yon bang tipong nagkataon, natsambahan, sinuwerte o kaya ay natiyempuhan.

January 29, 2012

Kampeon ng Digital Rights


Natutuwa kaming mga Taong Grasa dahil mukhang nakakuha kami ng kakampi sa katauhan ni Sec. Ronald Llamas.

Ngayon masasabi naming may katulad na rin naming Taong Grasa sa Malakanyang.

Kami kasing mga Taong Grasa, wala kaming kakayahang bumili ng mamahalin at orihinal na software at kung ano-anong pang file formats tulad ng bluray. Kaya nga puro free ware ang ginagamit namin at paminsan-minsan ay mga pirated software.

Kung hindi sa pirated software, malamang nasa analog world pa kami. Transistor ang gamit sa radyo, cassette tape ang ginagamit sa musika at malamang kung hindi betamax ay VHS ang gagamitin sa panonood ng mga self-help movies.

Damn Expensive Gravy


"Pirated" from Conrad Banal's column published on Monday's Philippine Daily Inquirer  (http://business.inquirer.net/42027/is-it-the-economy-cupid)

 This is true confession time: I also buy what they call “pirated” DVDs. Everybody in my family does, including my rich brother-in-law, and even my much richer cousins and cousins-in-law. The guys down here in my barangay do, too, without exception.

I just have one question: How do you tell that the DVD copy of an American television series is “pirated?” The series was already shown to the public in the United States—on free TV. I have been trying to wrack my brains thinking how, er, to “pirate” something that was already aired for free?

January 26, 2012

Walang pondo


Walang pondo, naibigay na lahat sa mga tiwaling heneral na sumuporta kay Gloria Macapagal-Arroyo para hindi siya mapatalsik sa puwesto.

Walang pondo, naibigay na sa mga kongresista na hindi sumuporta sa impeachment ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Walang pondo, naibulsa na ng mga inilagay sa gobyerno noong si Gloria Macapagal-Arroyo ay pangulo.

Pati ba naman mga hayop may racism?! Hayup!

Alam kong biro lang itong litratong ito... pero baka hindi rin. Minsan kasi yung mga nilalaman ng ating isipan ay nailalabas natin sa paraang biro. Kumbaga, birong hindi biro.

Biruin n'yo yun? :-)

January 24, 2012

'The Mortified Sessions': Alanis Morissette Reads A Poem She Wrote As A Child


Isa sa mga hinangaan kong singer ay si Alanis Morissette, ang Canadian singer na nagpauso ng mga awiting Hand in my Pocket, Ironic, You Ought to Know at marami pang awiting matutunghayan sa "Jagged Little Pill" album na lumabas noong 1995.

Pero, tulad naming mga taong grasa, napaka-bibo pala nitong si Alanis na sa napakabatang edad ay kung ano-anong mga tula ang nililikha.


Hindi nakakapagtaka na bumenta ng 33 million copies ang "Jagged Little Pill" dahil sa napagandang lyrics bukod sa nakakaaliw na musika ng mga awitin.

Sa "The Mortified Sessions" sinabi ni Alanis na nagsimula ang kanyang hilig sa pagsusulat noong siya ay musmos pa lamang.

Dahil dito, nagsimula ang kanyang kagalingan sa paglikha ng makabagbag damdaming mga lyrics sa mga isinulat na awitin.

Saludo kami sa yo Alanis, isa kang tunay na taong grasa.

January 18, 2012

Anti SOPA video


Sa mga Taong Grasa na hindi puwedeng makaasa sa mga mamahaling software, malaking problema itong Stop Online Piracy Act (SOPA) na nais isabatas sa Estados Unidos. 

Upang maintindihan natin ito, narito ang video na nagpapaliwanag kung bakit hindi lamang mga Kano ang dapat matakot sa batas na ito kungdi maging tayong mga third world pirates.

Web Black out

Kaming mga Taong Grasa, hindi kami mahilig sa protesta. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi kami nakikisama. Kaya bagamat hindi kami Kano, suportado namin ang Web Black Out campaign ng mga websites na tumututol sa Stop Online Piracy Act (SOPA) na nakaambang maging batas sa Estados Unidos. 

Sa totoo lang mga kapitalistang malalaki lang naman tulad ng mga software companies, ang music industry at movie industry sa nasabing bansa ang may gusto sa batas na ito. Hindi kasi sila makapag-adjust sa bagong larangan tulad ng internet. 
Dahil sa panukalang batas na ito, nag-black out ng kanilang website ang wikipedia, wordpress at maging ang boing boing.

Pero sinabi na ni Pres. Obama na ibi-veto niya ang panukalang batas. Sa kabila nito, itinuloy pa rin ng mga websites ang protesta.

At dahil pirated copies lang naman talaga ng mga software ang kayang bilhin ng mga taong grasa o kaya'y magdownload ng mga movies at music ang kaya naming gawain upang kahit paano'y makapag-enjoy kami sa  nanggigitatang buhay na ito, suportado namin ang Web Black Out.
Sige ha, nood muna ko ng bago kong na-download.

"Censored" page ng wired.com

"Censored" page ng Google

January 16, 2012

Santo santito


Isang napakadakila at napakabait na santo, o halos mala-Kristo si Chief Justice Corona kung paano siya inilarawan ng defense team niya sa impeachment na kinakaharap.

Trabaho lang. Walang politika. Ganito ang kanyang mga naging pasya sa mga kasong hinawakan sa Korte Suprema.

At sa tantiya ko, malamang mababasbasan pa siya bilang santo sa udyok ng University of Santo Tomas, ang paaralang nagbigay ng doctoral degree sa huwis na ang tanging kasalanan ay kampihan ang dating pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo.

Masama ba yon? Hay, patawarin mo po silang naghahangad ng ulo ng punog mahistrado. Nagkakamali po sila.


Ganito rin ang tingin ng karamihan kay Manny Pacquiao, ang Pinoy Champ na naging People's Champ at ngayon aty anti-Reproductive Health champ.

Naniniwala naman akong Santo si Pacquiao. Santo siya sa kanyang mga die hard fans. Santo siya mga politikong tinulungan nitong nakaraang halalan.

Santo si Manny. Period. Hindi dahil sa kanyang money. Kungdi dahil sa dami ng kanyang "natulungan".

January 15, 2012

Ang Malakas Tumungga ng Beer ay Magiging Chikababes



Beer contains female hormones! Yes, that's right, FEMALE hormones!

Last month, Montreal University and scientists released the results of a recent analysis that revealed the presence of female hormones in beer. Men should take a concerned look at their beer consumption. The theory is that beer contains female hormones (hops contain Phytoestrogens) and that by drinking enough beer, men turn into women.

To test the theory, 100 men each drank 8 schooners of beer within a one (1) hour period.

It was then observed that 100% of the test subjects, yes, 100% of all these men:-

1) Argued over nothing.

2) Refused to apologize when obviously wrong.

3) Gained weight.

4) Talked excessively without making sense.

5) Became overly emotional

6) Couldn't drive.

7) Failed to think rationally, and

8) Had to sit down while urinating.

Ang Hindi Tomador ay Iikli ang Buhay



Study: Abstaining from alcohol significantly shortens life

New research shows that those who imbibe are less likely to die than those who stay dry.

By Helen JupiterTue, Aug 31 2010 at 12:53 PM EST

Two champagne glasses raised for a toast Photo: Al404/Flickr


A newly released study shows that regular drinkers are less likely to die prematurely than people who have never indulged in alcohol. You read that right: Time reports that abstaining from alcohol altogether can lead to a shorter life than consistent, moderate drinking.

Surprised? The tightly controlled study, which looked at individuals between ages 55 and 65, spanned a 20-year period and accounted for variables ranging from socioeconomic status to level of physical activity. Led by psychologist Charles Holahan of the University of Texas at Austin, it found that mortality rates were highest for those who had never had a sip, lower for heavy drinkers, and lowest for moderate drinkers who enjoyed one to three drinks per day.

Of the 1,824 study participants, only 41 percent of the moderate drinkers died prematurely compared to a whopping 69 percent of the nondrinkers. Meanwhile, the heavy drinkers fared better than those who abstained, with a 60 percent mortality rate. Despite the increased risks for cirrhosis and several types of cancer, not to mention dependency, accidents and poor judgment associated with heavy drinking, those who imbibe are less likely to die than people who stay dry.

A possible explanation for this is that alcohol can be a great social lubricant, and strong social networks are essential for maintaining mental and physical health. Nondrinkers have been shown to demonstrate greater signs of depression than their carousing counterparts, and in addition to the potential heart health and circulation benefits of moderate drinking (especially red wine), it also increases sociability.

While it’s always important to drink responsibly, this is one study that warrants raising a glass.

http://www.mnn.com/food/beverages/stories/study-abstaining-from-alcohol-significantly-shortens-lifesignificantly-shortens-life

January 11, 2012

Anthem ng mga Taong Grasa


The Youth. Ang bandang ito ay nasa unahan ng listahan ng mga paboritong musikero ng mga Taong Grasas.

Sa totoo lang, sila ang kumanta ng Taong Grasa anthem na may pamagat na, ano pa, Taong Grasa!!!

Pero siyempre hindi lang ang Taong Grasa ang paborito namin. Nasa Top Five rin ang Basura, na literally ay bumubuhay sa aming mga Taong Grasas. Sabi nga ng The Youth, "Tapon, tapon, tapon nyo, basura nyo, itapon nyo." At siguradong pupulutin namin yan!!!


Sa itaas ay ang version ng Basura na kinober nina Glenn Jacinto ng The Teeth, Melody Del Mundo (Hiccup), Annette Ortiz (Fatal) at Miguel Ortigas (Razorback).

Marami pa kaming paboritong awitin ng The Youth pero ang malaking tanong ngayon ay nasaan sina Robert Javier, Erap Carrasco at Dodong Cruz. Nagtatapon pa rin kaya sila ng Basura?

January 9, 2012

Aminin


Nitong mga nakaraang araw ay hindi lang kasarian ni Supreme Court administrator and spokesperson Midas Marquez ang kinukuwestiyon.

Maging ang kanyang loyalty ay nalagay na sa malaking tandang pananong. Sino nga ba ang pinaglilingkuran ni Midas, ang Korte Suprema o ang Chief Justice? Sino ba ang nagpapsuweldo sa kanya, si Chief Justice Renato Corona ba o ang Korte Suprema?

Base kasi sa kanyang mga talak, este, pananalita at official statements, parang lumalabas pa siyang tagapagsalita ni CJ kaysa ng SC.

Dahil dito, maging si Akbayan Rep. Walden Bello ay hindi nakapagtimpi at pumatol na rin sa pamamagitan ng isang malaking tanong.

"Sino ba ang boss ni Atty. Marquez? Ang sambayanang Pilipino o si CJ Corona? That he spends all his time actively defending Corona in this impeachment trial is a travesty of public service,” puna ni Bello.

“Tila gulung-gulo si Marquez sa dami ng trabaho niya, convenor ba naman ng communications team ni Corona, kasabay ng pagiging Court Administrator at Spokesperson. Kailangan na niya sigurong mag-focus sa isa lang,”  punto ni Bello. 

Dahil dito, nanawagan si Bello kay Marquez na mag-resign na lamang upang masagot na ang mga katanungan kung sino ang tunay niyang pinaglilingkuran.

“Already, we have a Chief Justice who, in his lack of integrity, has pledged himself to the service of Gloria Macapagal Arroyo under the guise of public service. And here emerges Marquez in the very likeness of his superiors,” dagdag ni Bello. “Marquez’ reputation and credibility is stained, and it will get worse because it is not likely that he will shut up. He should very well follow his heart’s desire to serve Corona. And in order to do that, he must resign.”

Kayo ano sa tingin ninyo, dapat na bang umamin ni Marquez?



An Abbey Road Spoof Featuring… The Peanuts | Wooster Collective