January 29, 2012

Kampeon ng Digital Rights


Natutuwa kaming mga Taong Grasa dahil mukhang nakakuha kami ng kakampi sa katauhan ni Sec. Ronald Llamas.

Ngayon masasabi naming may katulad na rin naming Taong Grasa sa Malakanyang.

Kami kasing mga Taong Grasa, wala kaming kakayahang bumili ng mamahalin at orihinal na software at kung ano-anong pang file formats tulad ng bluray. Kaya nga puro free ware ang ginagamit namin at paminsan-minsan ay mga pirated software.

Kung hindi sa pirated software, malamang nasa analog world pa kami. Transistor ang gamit sa radyo, cassette tape ang ginagamit sa musika at malamang kung hindi betamax ay VHS ang gagamitin sa panonood ng mga self-help movies.


Kung ganoon ang aming kalagayan, paano kami uunlad, paano namin mapapaunlad ang aming mga sarili sa arts at science. Mananatili kaming Taong Grasa habang buhay, mangmang sa makabagong mundo na ating ginagalawan. At dahil may pangarap din naman kaming mga Taong Grasa na makaalpas sa aming madulas at madikit na buhay, pinag-aralan naming makasabay sa digital world gamit ang mga piratang software.


Kaya masaya kami dahil nakakita kami ng kakampi kay Sec. Ronald Llamas, na ngayon ay tinitingnan naming ehemplo sa mundo ng digital activism.

Ang digital activism ay ang pagpuna sa mga higanteng kumpanya na ibinebenta ang kanilang mga produkto na sobrang mahal. Isipin mo kung magkano ang operating system ng computer kung bibilhin mo? Kaya hindi ako nagtataka na mas marami na ang OS sa kanilang mga computers ay pirated.

Ganun din ang aming telepono, DVD player at iba pang digital equipment.

Ang telepono naming mga Taong Grasa ay China phone na obviously ay hacked ang software at ang mga teknolohiya sa hardware ay pawang mga nakaw rin. Kaya hindi nakakapagtaka na mura ang China phone.

Dati ang mamahal ng DVD player, pero ngayon napakamura. Bakit? Kasi ang software ng mga ito ay pinirata at ang teknolohiya ay ginaya.

Ganun din ang aming mga computers, hindi branded, assembled lang. Pero nagagamit namin sa pagpapaunlad ng buhay. Dahil sa computers na pirated ang software, pirated ang teknolohiya, nakapasok kami sa digitial world.

Kaya Sec. Llamas, wag kang mahiya, ipaglaban mo ang digital rights natin.

Digital rights now!!!

2 comments:

  1. tama! huwag lalung payamanin ang mga gahamang movie corporations! pirated forever! mabuhay sec. llamas!

    ReplyDelete
  2. Mabuhay ka Sec. Llamas, isa kang tunay na taong grasa...

    ReplyDelete