Masakit umano kay Donna Policar na pagdudahan ang kanyang istorya.
Ayon sa reporter sa isang panayam ng DZMM, sinabi ni Policar na mismong siya ang kumuha ng larawan ni Sec. Ronald Llamas habang ito ay nagba-browse ng mga DVD sa Circle C.
Ayon pa kay Donna, isang beteranong mamahayag na nagsulat para sa Philippine Post, Manila Times at Philippine Tribune bago nagtrabaho para sa Bandera, ay nagkataon lamang na siya ay nasa Circle C noong si Sec. Llamas ay napadako sa lugar na iyon.
Puwede naman talagang mangyari ang bagay na iyon. 'Yon bang tipong nagkataon, natsambahan, sinuwerte o kaya ay natiyempuhan.
Kaming mga Taong Grasa, naniniwala rin diyan. Yong bang makakatiyempo ka na may isang basurahan na punong-puno ng second hand food. O kaya ay basurahang punong-puno ng styrofoam at napakaraming pagkaing puwede ipagpag. Tiyempuhan, suwertihan. Piyesta na di ba? Pero hindi naman basura si Sec. Llamas upang matiyempuhan lang.Ayon sa reporter sa isang panayam ng DZMM, sinabi ni Policar na mismong siya ang kumuha ng larawan ni Sec. Ronald Llamas habang ito ay nagba-browse ng mga DVD sa Circle C.
Ayon pa kay Donna, isang beteranong mamahayag na nagsulat para sa Philippine Post, Manila Times at Philippine Tribune bago nagtrabaho para sa Bandera, ay nagkataon lamang na siya ay nasa Circle C noong si Sec. Llamas ay napadako sa lugar na iyon.
Puwede naman talagang mangyari ang bagay na iyon. 'Yon bang tipong nagkataon, natsambahan, sinuwerte o kaya ay natiyempuhan.
Ang tanong ngayon ay ano ang ginagawa ni Donna sa Circle C at natiyempuhan niya si Sec. Llamas. Napakaswerteng araw naman nun para kay Donna.
Nasa Circle C ba siya upang mamili rin ng pirated DVD? May ka-date ba siya sa Circle C? O may nagsabi sa kanya na nasa Circle C si Sec. Llamas at namimili ito ng DVD? Kami kasing mga Taong Grasa hindi naniniwala sa nagkataon lang lalu pa na isang mataas na opisyal ang sangkot.
Ano man ang dahilan at nagkataong siya ay nandun, masasabi nating tunay na napakaswerte nga ni Donna. Sa dami kasi ng taong gustong makaharap si Sec. Llamas ay si Donna pa ang nakatiyempo sa kanya. Swerte di ba?
Pero bakit hindi kinasap ni Donna si Sec. Llamas?
Ayon sa news story na kasamang inilabas ng larawan, ininterview ni Donna ang binilihan ni Sec. Llamas ng mga DVD. Kaya nga nalaman niyang nagkakahalaga ng P2,000 ang pinamili ni Sec. Llamas di ba?
Bakit nga ba hindi kaagad kinausap ni Donna si Sec. Llamas pagkaraan niyang kuhanan ito? Base kasi sa larawan ay napakalapit lamang ni Donna kay Sec. Llamas. Isang dura lang, ayon sa isa pang Taong Grasa. Puwede na ngang kalabitin si Sec. Llamas eh. At kung nagkataong ahas si Donna, puwede na niya itong tuklawin.

Pero hindi niya ito kinausap kahit na nakuhanan na niya ito ng larawan. Tama ba yon? Sang-ayon ba iyon sa etika ng mga reporter?
Ayon kay Donna, nag-text at tumawag siya kay Sec. Llamas kinabukasan upang hingin ang opinyon nito sa mga pangyayari. Ito ay pagkatapos na niyang makuhanan at malamang maisulat ang istorya. Pero ayon kay Donna ay hindi siya sinagot ni Llamas. Parang post-mortem di ba? Tapos na ang krimen, saka mo tatanungin ang biktima, eh patay na.
Pero tandaan nating may na-interview si Donna sa Circle C. Ang tindira na binilihan ni Sec. Llamas ng DVD at iba pa.
Pero bakit hindi niya kinausap si Sec. Llamas?
Natatakot ba siya na malaman ng sekretaryo na may "operation" siya laban dito? May itinatago ba si Donna? May dala-dala rin ba siyang DVD at sakaling interbyuhin niya ang sekretaryo ay makikita nitong isa ring siyang buyer ng piratang DVD?
Ano man ang sagot, si Donna at ang kanyang mga editors na lamang sa Bandera ang nakakaalam.
Pero bakit nga ba hindi niya kinausap si Sec. Llamas gayong nakuhanab na niya ito ng larawan? Kami kasing mga Taong Grasa, kahit na nanlilimahid kami, mas gusto namin ang mga kasamang Taong Grasa na walang itinatago. Yong tao lang, kahit magrasa.
May malisya ba si Donna sa pagkuha ng larawan? Gusto namin kasi reporter lang, walang malisya.
Hindi nakakaduda ang larawan, ang nakakaduda ay ang motibo ni Donna. Bakit nga ba hindi kinausap ni Donna si Sec. Llamas right there and then habang namimili di umano si Sec. Llamas ng mga DVD?
At Donna, bukas ang Taong Grasa Collective para makapagbigay ka ng komento.
By the way ang larawan ni Donna sa itaas ay mula sa The Times, isang open group facebook page. Narito ang url https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150165154509672&set=o.193113940714020&type=3&theater
No comments:
Post a Comment