Kaming mga Taong Grasa, hindi kami mahilig sa protesta. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi kami nakikisama. Kaya bagamat hindi kami Kano, suportado namin ang Web Black Out campaign ng mga websites na tumututol sa Stop Online Piracy Act (SOPA) na nakaambang maging batas sa Estados Unidos.
Sa totoo lang mga kapitalistang malalaki lang naman tulad ng mga software companies, ang music industry at movie industry sa nasabing bansa ang may gusto sa batas na ito. Hindi kasi sila makapag-adjust sa bagong larangan tulad ng internet.
Dahil sa panukalang batas na ito, nag-black out ng kanilang website ang wikipedia, wordpress at maging ang boing boing.
Pero sinabi na ni Pres. Obama na ibi-veto niya ang panukalang batas. Sa kabila nito, itinuloy pa rin ng mga websites ang protesta.
At dahil pirated copies lang naman talaga ng mga software ang kayang bilhin ng mga taong grasa o kaya'y magdownload ng mga movies at music ang kaya
naming gawain upang kahit paano'y makapag-enjoy kami sa nanggigitatang buhay na ito, suportado namin ang Web Black Out.
Sige ha, nood muna ko ng bago kong na-download.
"Censored" page ng wired.com "Censored" page ng Google |
No comments:
Post a Comment