January 9, 2012

Aminin


Nitong mga nakaraang araw ay hindi lang kasarian ni Supreme Court administrator and spokesperson Midas Marquez ang kinukuwestiyon.

Maging ang kanyang loyalty ay nalagay na sa malaking tandang pananong. Sino nga ba ang pinaglilingkuran ni Midas, ang Korte Suprema o ang Chief Justice? Sino ba ang nagpapsuweldo sa kanya, si Chief Justice Renato Corona ba o ang Korte Suprema?

Base kasi sa kanyang mga talak, este, pananalita at official statements, parang lumalabas pa siyang tagapagsalita ni CJ kaysa ng SC.

Dahil dito, maging si Akbayan Rep. Walden Bello ay hindi nakapagtimpi at pumatol na rin sa pamamagitan ng isang malaking tanong.

"Sino ba ang boss ni Atty. Marquez? Ang sambayanang Pilipino o si CJ Corona? That he spends all his time actively defending Corona in this impeachment trial is a travesty of public service,” puna ni Bello.

“Tila gulung-gulo si Marquez sa dami ng trabaho niya, convenor ba naman ng communications team ni Corona, kasabay ng pagiging Court Administrator at Spokesperson. Kailangan na niya sigurong mag-focus sa isa lang,”  punto ni Bello. 

Dahil dito, nanawagan si Bello kay Marquez na mag-resign na lamang upang masagot na ang mga katanungan kung sino ang tunay niyang pinaglilingkuran.

“Already, we have a Chief Justice who, in his lack of integrity, has pledged himself to the service of Gloria Macapagal Arroyo under the guise of public service. And here emerges Marquez in the very likeness of his superiors,” dagdag ni Bello. “Marquez’ reputation and credibility is stained, and it will get worse because it is not likely that he will shut up. He should very well follow his heart’s desire to serve Corona. And in order to do that, he must resign.”

Kayo ano sa tingin ninyo, dapat na bang umamin ni Marquez?



No comments:

Post a Comment