September 28, 2012
September 27, 2012
Cybercrime o cyber control?
Walang sinanto ang mga kasapi ng Anonymous Philippines nitong Miyerkules ng gabi at kanilang dine-face ang ilang websites bilang protesta sa Cybercrime Law of 2012.Hindi naman nakakapagtaka na titirahin sila ng Anonymous PHP dahil alam naman ng lahat na ang grupong ito ay hindi nagdadalawang isip upang ipaglaban ang karapatan ng sangkatauhan laban sa itinuturing nilang mga panggugulang ng mga korporasyon at mga pamahalaan.
Kahit ako ay hindi sang-ayon sa Cybercrime Law dahil ang pananaw naming mga taong grasa ang anumang pamamaraan ng pagkontrol sa internet ay pagkontrol sa mga individual.
September 9, 2012
Internet noong panahon ni Marcos
Oo at hindi ang magiging sagot ko rito.
Oo, dahil hindi naman automatic na kung may internet ay madaling masusugpo ang mga ahente ng kadiliman tulad ni FM. Isang ehemplo nito ay ang China. Bagamat may internet sa China, kontrolado ng pamahalaan kung anong mga bagay-bagay ang puwedeng ma-access sa internet.
July 30, 2012
Giyerang Online Part 3
Tumitingkad ang online wars sa pagitan ng mga gahamang korporasyon at mga nagsusulong ng digital rights.Dito sa Pilipinas dalawang hunghang na mambabatas ang may panukalang tinatawag na Anti Online Piracy Act (AOPA) na halos kinopya lamang ng mga pro-capital, pro-profit congressmen na sila Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde ng Buhay Party-list.
Pero naniniwala akong tulad ng hindi pagpasa ng Stop Online Piracy Act (SOPA) sa Estados Unidos at ng Anti-Counterfeiting Trade Agreement (ACTA) sa Europe ay hindi maisasabatas ang mga panukalang ito.
Magkagayunman, naniniwala akong hindi doon matatapos ang labanang ito.
Natural kasi ang labanan ng mga korporasyon at ng mga pangkaraniwang tao ukol sa tinatawag na creative commons, o ang nalikha ng mga pangkaraniwang tao na hindi naghahangad na pagkakitaan ng sandamakmak ang kanilang musika. Sa totoo lang ang gusto lang nila ay
July 21, 2012
SONA 2012
Sa Lunes, magsasalita si Pang. Pnoy sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA). Pero ngayon pa lang ay ang daming ng epal, papansin, nagse-second guess kung ano ang sasabihin niya sa kanyang talumpati.Minsan eh, naiisip ko tuloy na hindi na pala ito SONA kungdi SANA.
Sana ganito, sana ganoon. Sana ganiyan, sana, sana.
Kaya kahit kaming mga Taong Grasa ay hindi mahilig makiuso, makikisakay muna kami sa nauusong SANA, este, SONA.
Subscribe to:
Posts (Atom)