Hindi naman nakakapagtaka na titirahin sila ng Anonymous PHP dahil alam naman ng lahat na ang grupong ito ay hindi nagdadalawang isip upang ipaglaban ang karapatan ng sangkatauhan laban sa itinuturing nilang mga panggugulang ng mga korporasyon at mga pamahalaan.
Kahit ako ay hindi sang-ayon sa Cybercrime Law dahil ang pananaw naming mga taong grasa ang anumang pamamaraan ng pagkontrol sa internet ay pagkontrol sa mga individual.
Posisyon namin kasing mga taong grasa na kailagang malaya ang internet at lalabanan namin ang anumang pamamaraan ng pagkontrol dito.
Iyon nga lang ay wala kaming kasanayan upang magawa ang naisakatuparan ng Anonymous PHP.
Balik tayo sa Cybercrime Law.
Naging malaking usapin kasi rito ang Libel na isinalaksak ng walang public hearing ni Copy-Paste King Tito Sen.
Ito ay marahil sa pambubuska na inabot niya sa mga social networks at bloggers ukol sa kanyang naging posisyon sa Reproductive Health Bill, na sinusuportahan din naming mga Taong Grasa.
Pero kaming mga Taong Grasa ay hindi masyadong natatakot ukol sa usapin ng libel.
Iyong usapin ng "misuse" sa mga computer gadgets ang mas nakakatakot rito.
Sa usapin kasi ng libel, maraming hinihingi upang ito ay mapatunayan.
Pero sa usapin ng "misuse" mas madaling matukoy dahil ang hahanapin lamang ay ang MAC address at IP address. Ang Media Access Control (MAC) ay matatagpuan sa lahat ng computer gadgets habang ng Internet Protocol Address naman ay ang ginagamit upang matukoy kung saang pisikal na lugar mo ginagamit ang iyong computer uapng maka-access sa internet.
Dahil mas madaling matukoy ang MAC at IP address, nakakatakot na gamitin ito ng pamahalaan upang tukuyin ang paggamit ng mga computers sa pag-download ng kung ano-ano sa internet at isabit ang mga katulad na kaso sa "misuse" of computer gadgets.
Kapag nagkaganito, yari tayong mga Taong Grasa!!!
No comments:
Post a Comment