Kung may kandidato sa pagka-senador na hinahangaan naming mga Taong Grasa, ito ay walang iba kungdi si Risa Hontiveros.
Totoong hindi namin siya kauri. At sa totoo lang mas maituturing naming kauri si Nancy Binay. Sa kulay pa lang ng balat hindi maitatatwa na si Nancy ay isang Taong Grasa.
Pero itong si Risa Hontiveros, maputi man at mestisahin, mas kakulay naming mga Taong Grasa ang mithiin.
Mithiin kasi naming mga Taong Grasa na mabigyan kami ng oportunidad sa buhay at ito ang isinusulong ni Risa mula noong siya ay nasa Kongreso pa bilang kinatawan ng Akbayan.
Nabigyan ng pagkakataon ang mga tulad naming masisipag ngunit walang lupang magsasaka nang isinulong at naisabatas ang Carper o Comprehensive Agrarian Reform Program with Reforms.
Aba'y hindi nagtapos dun si Risa, isinulong din niya ang Cheper Medicine's Law.
Kaya ngayon kaming mga Taong Grasa ay may pagkakataong bumili ng gamot sa murang halaga.
At kahit wala na sa Kongreso, ipinaglaban din ni Risa na maisabatas ang Reproductive Health Law.
Ano pa ang hahanapin mo?
Kaya para sa aming mga Taong Grasa, si Risa ang maituturing naming nag-iisang senador na magdadala ng aming adhikain.
At bagamat mahilig kaming mag-recycle, hindi masasabing itong si Risa ay recycled na kandidato hindi tulad ng mga nagpapanggap na makamasa pero sariling agenda lamang ang dinadala.
Kaya ngayong Mayo 13, samahan ninyo kaming mga Taong Grasa at iluklok natin sa Senado ang nag-iisang Taong Grasa sa mga tumatakbo sa Senado - Risa Hontiveros. Numero 18 sa ating mga balota.

Meron ka po bang alam na institution na pwede macontact para mag-pa-pick up ng taong grasa. Tagulan na kasi tapos un taong grasa sa street namin e kailangan na ng shelter. Kawawa naman xa nababasa lang tas dinadaanan lang ng mga tao. Help naman po. PM me sa yahoo kung meron kang alam or wala... ---> xylk21xylk@yahoo.com - Appreciate it, thanks!
ReplyDelete