September 9, 2012

Internet noong panahon ni Marcos


Naisip ko lang, paano kung may internet na noong idineklara ni Ferdinand Marcos ang Martial Law? Magtatagumpay kaya siya at ang kanyang mga alipores

Oo at hindi ang magiging sagot ko rito.


Oo, dahil hindi naman automatic na kung may internet ay madaling masusugpo ang mga ahente ng kadiliman tulad ni FM. Isang ehemplo nito ay ang China. Bagamat may internet sa China, kontrolado ng pamahalaan kung anong mga bagay-bagay ang puwedeng ma-access sa internet.


Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahalagang mapanatiling bukas ang internet, hindi lamang access kung hindi maging ang mga nilalaman nito. Dahil kung may access man, pero kontrolado ng pamahalaan ang puwedeng mabasa o mapanood, hindi ito makakatulong upang maging malaya ang paggamit sa internet.

Hindi, dahil madaling maipapaabot sa taumbayan ang mga kabalastugan ni FM. Siguradong may video na lalabas sa internet upang ipakita na "staged" ang pag-ambush kay Defense Minister Juan Ponce Enrile.

Maaaring magtagumpay sa proklamasyon ng Martial Law si Marcos, pero hindi ito tatagal tulad sa ating nasaksihan at naranasan. Isang dahilan ay siguradong maya't maya ay mga video, photo at kung ano-ano pa na magpapakita sa kabulukan ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL).

Muli, masasabi kong isa ito sa mga dahilan kung bakit kailangang manatiling bukas ang internet para sa mga Pilipino.


1 comment:

  1. kung may internet na nung panahon ni Makoy, tiyak may "anti-cybercrime" law na din.

    ReplyDelete