December 6, 2012

Mga matutunan sa CPP (Part 2)

Sa Part 1 ng seryeng ito, naipakita nating nagkulang ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa "branding" dahil sa pagtanggi ng mga miyembro nitong matawag na mga komunista. Anila, ito raw ay red-baiting.

Dahil sa pagtutol ng mga komunistang mabansagan silang mga komunista, nalito ang masa sa kanila.

Sila ba ay komunista, makakaliwa, dulong kaliwa, extreme left, undemocratic left, leftist, fascist left, kaliwete, achuwete, Migrante, Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, Kabataan, Makabayan, rallyista, o emonista.


Hindi sila mailagay sa isang kahon at dahil nalito ang masa na nais nilang paglingkuran, nabawasan ang kanilang suporta at sa ngayon ay unti-unting nalagay sa gilid ng kasaysayan.

Sayang!

Mananatiling footnote sa kasaysayan ng Pilipinas ang Communist Party of the Philippines at ang binansagang mga legal fronts nilang partylists Bayan Muna, ACT Teacher, Gabriela, Migrante, Kabataan, Anakpawis, Akap Bata, gayundin ang mga "militanteng" Anakpawis, Anakbayan, Kilusang Mayo Uno at iba pa kung hindi nila ito babaguhin.

Sayang!

At isa sa mga dahilan nito, ayon sa mga organizational specialist, ay ang kawalan ng tumpak na pag-analisa sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas at ng mundo na naghatid upang manatiling bansot ang kaalaman ng mga miyembro.

Sa Disyembre 26 ay magdiriwang ng ika-44 anibersayo ang CPP at magmula noong ito ay isinilang magpahangga ngayon ang basa nila sa Pilipinas ay semi-feudal, semi-colonial at pinaghaharian ng burukratang kapitalismo.

Imagine after 44 years, walang pinagbago.

Ang masakit nito, ang tingin ng mga komunistang ito ay tama ang kanilang linya. At kapag binanatan mo ang pananaw na ito, titirahin kang isang revisionist at sesermonan ka na "magsuri, magsuri!"

Dahil sa ganitong asta, naisemento ng mga komunistang re-affirm na sila lang ang tama, ang banggardo sa pagsusulong ng rebolusyon.

Ang tawag dito ay bangardismo. Sila ang tama at lahat ay mali. May isa pang tawag dito, pundamentalismo. Parang Katolisismo, na nasa kanila lang ang tunay na daan at pananampalataya upang maligtas sa kabilang buhay.

Wala namang mali sa bargardismo, kailangan ito upang magabayan ang masa. Pero ang bangardismo ay ginagawa hindi para lamang magkaroon ng mga bangardo. Sa English, vanguards for the sake of vanguardism.

Dahil lahat ay mali kumpara sa kanilang sarili, hindi magdadalawang isip na tingnan na kaaway ng CPP at mga legal fronts nito na kaaway ang lahat ng hindi nila kahanay at kalinya.

Hindi lang nakakahinayang, nakakatakot pa. Kung imahinasyon ko ang aking gagamitin, malamang matulad tayo sa Cambodia kung sila ang mananalo sa rebolusyon.

Nakakahinayang talaga ang mga buhay na isinakripisyo para sa pagtataguyod ng rebolusyon kung  ang CPP at ang mga alagad nito ay magiging isang sekta lamang.

No comments:

Post a Comment