May 3, 2012

Trapo

HIndi nagtataka ang mga Taong Grasa na nilisan ni Isko Moreno, ang kasalukuyang vice mayo ng Lungsod ng Maynila, ang pugad ni Mayor Alfredo Lim.


Ano ba ang maasahan sa isang traditonal politican na katulad niya?


Aaminin naming mga Taong Grasa na sinuportahan namin si Isko dahil galing siya sa aming hanay. Dating Taong Grasa rin kasi itong si Isko at nakasama namin sa pangangalaykay ng kung ano-anong mahahalukay sa basurahan sa Tondo.


Sa totoong buhay ang pangalan ni Isko ay Joaquin Domagoso, at ang Isko Moreno ay kanyang screen name noong pumasok sa showbiz.


Masuwerte itong si Isko. Nakapasok siya sa showbiz matapos maispatan ni Wowie Roxas nang minsang dumalo ito sa isang burol sa Tondo at nakumbinsing pumasok sa pag-a-artista. Napasabak si Isko sa That's Entertainment ni Master Showman German Moreno.



At mula doon ay unti-unting tinuhog ang pag-indayog ng kapalaran sa pinilakang tabing at pagpasok sa pulitika.

Sabi ko nga hindi ako nagtataka na tila isang paro-paro itong si Isko dahil palipat-lipat ng partido.

Dito kasi sa Pilipinas, hindi naman mahalaga ang partido sa mga pulitiko. Ang mahalaga ay may makakapitan upang manatiling nasa posisyon.

 Parang pelikula lang. Paiba-iba ng leading lady. At kung minsan, paiba-iba ng producer. Sa pulitika, paiba-iba lang padrino, at kung minsa, paiba-iba lang ng financial supporter upang maka-survive.


At dahil dito hindi ko masisi si Isko. Una kahit nakapagtapos na siya ng kolehiyo, hindi pa rin niya gagap kung paano maging modernong pulitiko, kung paano mas makakatulong sa mga Taong Grasa dito sa bansa sa pamamagitan ng pagbabago sa sistema ng pulitika.


Kung walang maasahan kay Isko dahil traditional politician ito, mas maganda kung hindi na lang umasa. Mangangalkal na lang ako ng basura o kaya ay pupunta sa burol o libing at baka maispatan din at makapasok ako sa pinilakang tabing.

No comments:

Post a Comment