Malaki ang paghanga ko rito kay vice president Jejomar Binay.
Hinahangaan ko ang kanyang pagiging focus at pagiging driven.
Focus siyang maging trapo dahil driven siyang humawak ng kapangyarihan.
Tsk, tsk, tsk.
Nasayang ang legacy ni Jojo na mula sa isang aktibistang may pinanghahawakang ideolohiya at prinsipyo ngayon ay tila isang sorbetes na nalulusaw sa init ng ambisyong maging pinakamakapangyarihang nilalang sa bansa.
Tandaan nating si Jojo ay isa sa mga aktibistang kumalaban kay Marcos. Founder pa nga siya ng Mabini, isang samahan ng mga abogadong tumutulong sa biktima ng human rights violation.
Pero mula nang maupo sa Makati City bilang alkalde at nakatikim ng kapangyarihan ay tila na-adik na sa paghawak nito.
May kilala ka bang hindi Binay na naging alkalde ng Makati City mula noong maupo si Binay sa naturang lungsod?
Ano nga ang tawag dito? Political Dynasty ba?
At ngayong bise presidente na siya at nagtatangkang maging pangulo, patuloy sa landas ng pagiging trapo si Jojo.
Isipin mong tinanggap ng kanyang partido - ang PDP Laban - ang political butterfly at homophobic na si Manny Pacquiao, ang Pambansang Boksingerong kaututang dila ni GMA at ng dating alkalde ng Maynila na si Lito Atienza.
At ngayong bumuo siya ng koalisyon kasama si Erap Estrada, ang nasibak na pangulong nahatulan ng pandarambong, kung sino-sino pang trapo ang kanyang tinatanggap sa kanyang pugad.
Isa na rito si Mitor Magsaysay, na kilala bilang alipores naman ni GMA.
Hindi ko tuloy maisip kung paano natanggap ni Binay ang ganitong mga pulitikong walang ideyolohiya, halos walang moralidad at halos walang plataporma.
Sayang si Binay, mula sa isang progresibong pulitiko naging trapo.
Iba talaga ang nagagawa ng ambisyon.
Hindi mo kami madedenggoy Jojo, hindi ka Taong Grasa kungdi isa kang nagbabalatkayong progresibo.
Hinahangaan ko ang kanyang pagiging focus at pagiging driven.
Focus siyang maging trapo dahil driven siyang humawak ng kapangyarihan.
Tsk, tsk, tsk.
Nasayang ang legacy ni Jojo na mula sa isang aktibistang may pinanghahawakang ideolohiya at prinsipyo ngayon ay tila isang sorbetes na nalulusaw sa init ng ambisyong maging pinakamakapangyarihang nilalang sa bansa.
Tandaan nating si Jojo ay isa sa mga aktibistang kumalaban kay Marcos. Founder pa nga siya ng Mabini, isang samahan ng mga abogadong tumutulong sa biktima ng human rights violation.
Pero mula nang maupo sa Makati City bilang alkalde at nakatikim ng kapangyarihan ay tila na-adik na sa paghawak nito.
May kilala ka bang hindi Binay na naging alkalde ng Makati City mula noong maupo si Binay sa naturang lungsod?
Ano nga ang tawag dito? Political Dynasty ba?
At ngayong bise presidente na siya at nagtatangkang maging pangulo, patuloy sa landas ng pagiging trapo si Jojo.
Mitos Magsaysay |
At ngayong bumuo siya ng koalisyon kasama si Erap Estrada, ang nasibak na pangulong nahatulan ng pandarambong, kung sino-sino pang trapo ang kanyang tinatanggap sa kanyang pugad.
Isa na rito si Mitor Magsaysay, na kilala bilang alipores naman ni GMA.
Hindi ko tuloy maisip kung paano natanggap ni Binay ang ganitong mga pulitikong walang ideyolohiya, halos walang moralidad at halos walang plataporma.
Sayang si Binay, mula sa isang progresibong pulitiko naging trapo.
Iba talaga ang nagagawa ng ambisyon.
Hindi mo kami madedenggoy Jojo, hindi ka Taong Grasa kungdi isa kang nagbabalatkayong progresibo.
No comments:
Post a Comment