Sa Disyembre 26, ipagdiriwang ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang ika-44 na taong anibersaryo mula nang kumalas sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).
Hindi maitatatwa na malaki ang naitulong ng CPP, na pinamunuan ni Jose Maria Sison, upang labanan ang diktadura ng pumanaw at sintensiyadong human right violator na si Ferdinand Marcos.
Marami rin tayong matutunan sa CPP, mula nang isilang ito ni Sison at mga kasamahan sa Kabataang Makabayan (KM) noong 1968.
Narito ang unang bagay na puwedeng matutunan mula sa mga komunistang Pilipino at ito ay tumutukoy sa larangan ng "branding".
Sa kasalukuyang panahon malaki ang kinalaman ng "branding" sa mga organisasyon sa kanan at kaliwa, korporasyon at sa inbidwal.
Ang "branding" ang nagbibigay ng tatak sa mga organisasyon at indibidwal. Maging relihiyon ay ginagamit ito. Halimbawa ay ang mga Iglesia ni Cristo, makikita na mahilig ang mga INC sa puti. Kaya't tuwing Huwebes at Linggo, marami kang makikitang mga nakaputi na sumasamba.
Ganito rin ang ginagawa ng mga Muslim, lalo na ang mga kababaihan na nagsusuot ng belo.
Maging si Bro. Mike Velarde ay gumamit ng ganitong konsepto. May mga panyo, payong, langis at kung ano-ano pa ang kanyang pinauso upang masabing bahagi ang isang tao ng kayang El Shaddai Movement.
Pero maliban sa mga kasuutan, ang pinakamatalas na pagpaparamdam sa branding ay kung paano "ipinagmamayabang" ng mga kasapi ang kanilang pagsunod sa mga alituntunin ng mga relihiyon o samahan.
Dito pumapasok ang malaking kabalintunaan sa iniaasta ng mga komunistang bahagi ngayon ng tinatawag na "Reaffirm" o ang mga grupong sumasampalataya pa rin sa magandang balitang ipinapahayag ni Joma.
Nakakapagtaka kasi na itinatanggi ng mga grupong bahagi ng Reaffirm ang kanilang pagiging komunista. Anila'y maitatapat ito bilang "red baiting".
Pero kaninong altar ba talaga sumasamba ang mga partylist tulad ng Bayan Muna, Kabataan, Courage, Anakpawis, ACT Teacher, Gabriela, Katribu, Migrante, Kalikasan at ang mga mass organizations tulad ng Anakbayan, Anakpawis, Kilusang Mayo Uno?
Hindi ba't sa altar naman ni Marx, Lenin at Mao?
Ayon sa mga "brand" specialist, mali ang pagtanggi ng mga kasapi sa Makabayan syndicate na sila ay komunista dahil ito naman sila.
Dapat, dagdag pa ng mga specialist, ay niyakap nila ang pagiging komunista at ipinakita sa taong bayan kung paano maghatid ng pagbabago ang mga komunista.
Minsan ay napakinggan ko si Dodong Nemenzo, dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, at sinabi niyang walang kakurap-kurap na "Ako ay Marxist. Kung ang pagiging Marxist ay nangangahulugan na ako'y komunista, ikinakarangal kong maging komunista."
Wala namang makapagsasabi na hindi nga Marxist at hindi komunista si Dodong Nemenzo. So sa pananaw ng mga brand specialist, nagpapakatotoo lang si Dodong Nemenzo.
At dito sabit ang Makabayan at mga Reaffirmist, hindi sila nagpapakatotoo. Itinatanggi nila ang kanilang pagiging komunista. Dahil dito, naguguluhan sa kanila ang mamamayang Pilipino.
Dahil din dito, malaki ang agam-agam kung ano ba talaga ang dinadalang ideyolohiya ni Satur Ocampo, Lisa Masa at ni Teddy Casino. Nagbubunsod ito ng malaking tanong sa kaisipan ng mga mamamayan na nais nilang paglingkuran at palayain sa kamay ng mapagsamantalang kapitalistang sistema.
Hindi naman kasi tanga ang mamayang Pilipino. Kung nagsasalita ka na parang komunista, kumakain ka na parang komunista, kumakanta ka na parang komunista, nagsasayaw ka na parang komunista, isa kang komunista? Hindi isa ka lang "parang komunista".
Ito ang nais ipahiwatig ng mga Reaffirmist. Hindi sila komunista, parang komunista lang sila. At ito ang isa sa kanilang malaking pagkakamali na dapat nating matutunan.
Kailangang maging tapat tayo sa ating sarili upang mapalakas natin ang ating mga brand. Kesyo, rebolusyonaryong puwersa ka o isang sekta, na kapwa naman tumutukoy sa Communist Party of the Philippines.
Hindi maitatatwa na malaki ang naitulong ng CPP, na pinamunuan ni Jose Maria Sison, upang labanan ang diktadura ng pumanaw at sintensiyadong human right violator na si Ferdinand Marcos.
Marami rin tayong matutunan sa CPP, mula nang isilang ito ni Sison at mga kasamahan sa Kabataang Makabayan (KM) noong 1968.
Jose Maria Sison (circa 60s) |
Sa kasalukuyang panahon malaki ang kinalaman ng "branding" sa mga organisasyon sa kanan at kaliwa, korporasyon at sa inbidwal.
Ang "branding" ang nagbibigay ng tatak sa mga organisasyon at indibidwal. Maging relihiyon ay ginagamit ito. Halimbawa ay ang mga Iglesia ni Cristo, makikita na mahilig ang mga INC sa puti. Kaya't tuwing Huwebes at Linggo, marami kang makikitang mga nakaputi na sumasamba.
Ganito rin ang ginagawa ng mga Muslim, lalo na ang mga kababaihan na nagsusuot ng belo.
Maging si Bro. Mike Velarde ay gumamit ng ganitong konsepto. May mga panyo, payong, langis at kung ano-ano pa ang kanyang pinauso upang masabing bahagi ang isang tao ng kayang El Shaddai Movement.
Pero maliban sa mga kasuutan, ang pinakamatalas na pagpaparamdam sa branding ay kung paano "ipinagmamayabang" ng mga kasapi ang kanilang pagsunod sa mga alituntunin ng mga relihiyon o samahan.
Dito pumapasok ang malaking kabalintunaan sa iniaasta ng mga komunistang bahagi ngayon ng tinatawag na "Reaffirm" o ang mga grupong sumasampalataya pa rin sa magandang balitang ipinapahayag ni Joma.
Nakakapagtaka kasi na itinatanggi ng mga grupong bahagi ng Reaffirm ang kanilang pagiging komunista. Anila'y maitatapat ito bilang "red baiting".
Pero kaninong altar ba talaga sumasamba ang mga partylist tulad ng Bayan Muna, Kabataan, Courage, Anakpawis, ACT Teacher, Gabriela, Katribu, Migrante, Kalikasan at ang mga mass organizations tulad ng Anakbayan, Anakpawis, Kilusang Mayo Uno?
Hindi ba't sa altar naman ni Marx, Lenin at Mao?
Ayon sa mga "brand" specialist, mali ang pagtanggi ng mga kasapi sa Makabayan syndicate na sila ay komunista dahil ito naman sila.
Dapat, dagdag pa ng mga specialist, ay niyakap nila ang pagiging komunista at ipinakita sa taong bayan kung paano maghatid ng pagbabago ang mga komunista.
Minsan ay napakinggan ko si Dodong Nemenzo, dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, at sinabi niyang walang kakurap-kurap na "Ako ay Marxist. Kung ang pagiging Marxist ay nangangahulugan na ako'y komunista, ikinakarangal kong maging komunista."
Wala namang makapagsasabi na hindi nga Marxist at hindi komunista si Dodong Nemenzo. So sa pananaw ng mga brand specialist, nagpapakatotoo lang si Dodong Nemenzo.
At dito sabit ang Makabayan at mga Reaffirmist, hindi sila nagpapakatotoo. Itinatanggi nila ang kanilang pagiging komunista. Dahil dito, naguguluhan sa kanila ang mamamayang Pilipino.
Teddy Casino - Komunista o parang komunista? |
Hindi naman kasi tanga ang mamayang Pilipino. Kung nagsasalita ka na parang komunista, kumakain ka na parang komunista, kumakanta ka na parang komunista, nagsasayaw ka na parang komunista, isa kang komunista? Hindi isa ka lang "parang komunista".
Ito ang nais ipahiwatig ng mga Reaffirmist. Hindi sila komunista, parang komunista lang sila. At ito ang isa sa kanilang malaking pagkakamali na dapat nating matutunan.
Kailangang maging tapat tayo sa ating sarili upang mapalakas natin ang ating mga brand. Kesyo, rebolusyonaryong puwersa ka o isang sekta, na kapwa naman tumutukoy sa Communist Party of the Philippines.
No comments:
Post a Comment