Natatandaan ko pa ang panukalang batas ni Kabataan Party rep. Mong Palatino na tinatawag na Religious Freedom in Government Offices Act. Naglalayon ito na ipagbawal ang lahat ng mga religious ceremonies sa mga ahensiya ng pamahalaan.
At dahil sa dami ng mga bumatikos kay Palatino, kasama na ang Simbahang Katoliko, binawi niya ang panukalang batas. Na-pressure. Yumuko.
Natatandaan ko rin na bagamat halft hearted ay ipinaglaban ni Palatino at ng kanyang mga kasamahan sa Makabayan consortium ang RH Bill at tumanggap sila ng batikos sa Simbahang Katoliko.
Napainit din ng Makabayan Consorium ang ulo ng mga kardinal dahil sa Divorce bill na isinusulong naman ng Gabriela.
Ang tanong ngayon ay kung magka-away sa prinsipyo at pananampalatay ang Makabayan Consortium at ang Simbahang Katoliko bakit sila magkakampi laban sa Akbayan?
Ganun talaga sa pulitika yata. May mga isyung pinagsasamahan, at may mga isyung pinag-aawayan. At sa ilang pagkakataong ito, wala ng prinsipyong pinag-uusapan.
Kung baga ay nagkita sa gitna. Kalaban sa RH Bill, na alam naman nating masugid na isinusulong ng Akbayan, ng mga Kardinal ang Akbayan, na kalaban naman sa pulitika ng Makabayan.
Politics of convenience ba ang tawag dito?

No comments:
Post a Comment