September 27, 2012

Cybercrime o cyber control?

Walang sinanto ang mga kasapi ng Anonymous Philippines nitong Miyerkules ng gabi at kanilang dine-face ang ilang websites bilang protesta sa Cybercrime Law of 2012.

Hindi naman nakakapagtaka na titirahin sila ng Anonymous PHP dahil alam naman ng lahat na ang grupong ito ay hindi nagdadalawang isip upang ipaglaban ang karapatan ng sangkatauhan laban sa itinuturing nilang mga panggugulang ng mga korporasyon at mga pamahalaan.

Kahit ako ay hindi sang-ayon sa Cybercrime Law dahil ang pananaw naming mga taong grasa ang anumang pamamaraan ng pagkontrol sa internet ay pagkontrol sa mga individual.

September 9, 2012

Internet noong panahon ni Marcos


Naisip ko lang, paano kung may internet na noong idineklara ni Ferdinand Marcos ang Martial Law? Magtatagumpay kaya siya at ang kanyang mga alipores

Oo at hindi ang magiging sagot ko rito.


Oo, dahil hindi naman automatic na kung may internet ay madaling masusugpo ang mga ahente ng kadiliman tulad ni FM. Isang ehemplo nito ay ang China. Bagamat may internet sa China, kontrolado ng pamahalaan kung anong mga bagay-bagay ang puwedeng ma-access sa internet.