May 17, 2012

Pugad ng katrapuhan

Malaki ang paghanga ko rito kay vice president Jejomar Binay.

Hinahangaan ko ang kanyang pagiging focus at pagiging driven.

Focus siyang maging trapo dahil driven siyang humawak ng kapangyarihan.

Tsk, tsk, tsk.

Nasayang ang legacy ni Jojo na mula sa isang aktibistang may pinanghahawakang ideolohiya at prinsipyo ngayon ay tila isang sorbetes na nalulusaw sa init ng ambisyong maging pinakamakapangyarihang nilalang sa bansa.

Tandaan nating si Jojo ay isa sa mga aktibistang kumalaban kay Marcos. Founder pa nga siya ng Mabini, isang samahan ng mga abogadong tumutulong sa biktima ng human rights violation.

Pero mula nang maupo sa Makati City bilang alkalde at nakatikim ng kapangyarihan ay tila na-adik na sa paghawak nito.

May kilala ka bang hindi Binay na naging alkalde ng Makati City mula noong maupo si Binay sa naturang lungsod?

Ano nga ang tawag dito? Political Dynasty ba?

May 3, 2012

Trapo

HIndi nagtataka ang mga Taong Grasa na nilisan ni Isko Moreno, ang kasalukuyang vice mayo ng Lungsod ng Maynila, ang pugad ni Mayor Alfredo Lim.


Ano ba ang maasahan sa isang traditonal politican na katulad niya?


Aaminin naming mga Taong Grasa na sinuportahan namin si Isko dahil galing siya sa aming hanay. Dating Taong Grasa rin kasi itong si Isko at nakasama namin sa pangangalaykay ng kung ano-anong mahahalukay sa basurahan sa Tondo.


Sa totoong buhay ang pangalan ni Isko ay Joaquin Domagoso, at ang Isko Moreno ay kanyang screen name noong pumasok sa showbiz.


Masuwerte itong si Isko. Nakapasok siya sa showbiz matapos maispatan ni Wowie Roxas nang minsang dumalo ito sa isang burol sa Tondo at nakumbinsing pumasok sa pag-a-artista. Napasabak si Isko sa That's Entertainment ni Master Showman German Moreno.