February 13, 2013

#malingmali


Bakit ayaw lumaban ng patas nitong mga partido sa ilalim ng sindikatong Makabayan Coalition?

Kulang na lang ay isaksak sa ating mga lalamunan ang kanilang  kakupalan.

Aba'y tila naghahari-harian at nag-operation dikit (OD) sa kung saan saan.
Sa itaas ay nag-OD ang Anakpawis sa Taft Avenue, lalong dinumihan ang madumi ng lansangan.

Aba-aba, dahil sa inyong kalokohan, ikakampanya kong kayo ay hindi manalo sa halalan.

At siyempre, hindi papahuli ang Kabataan Party na tila nangungutya at gustong masampolan

Hindi ko maintindihan ang Kabataan Party na anila'y moderno at makabago pero kung mag-isip parang lang tradisyunal na pulitiko.

Kala ko ba sa social media sila mangangampanya, hindi pala, ang gusto nila'y makalumang pamamaraan. Pandikit ang dala dala, makaisa sa kalaban ang puntirya.

Walastik sa dating, tunay na Taong Grasang marumi pa sa grasang plastik.


No comments:

Post a Comment