January 16, 2012

Santo santito


Isang napakadakila at napakabait na santo, o halos mala-Kristo si Chief Justice Corona kung paano siya inilarawan ng defense team niya sa impeachment na kinakaharap.

Trabaho lang. Walang politika. Ganito ang kanyang mga naging pasya sa mga kasong hinawakan sa Korte Suprema.

At sa tantiya ko, malamang mababasbasan pa siya bilang santo sa udyok ng University of Santo Tomas, ang paaralang nagbigay ng doctoral degree sa huwis na ang tanging kasalanan ay kampihan ang dating pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo.

Masama ba yon? Hay, patawarin mo po silang naghahangad ng ulo ng punog mahistrado. Nagkakamali po sila.


Ganito rin ang tingin ng karamihan kay Manny Pacquiao, ang Pinoy Champ na naging People's Champ at ngayon aty anti-Reproductive Health champ.

Naniniwala naman akong Santo si Pacquiao. Santo siya sa kanyang mga die hard fans. Santo siya mga politikong tinulungan nitong nakaraang halalan.

Santo si Manny. Period. Hindi dahil sa kanyang money. Kungdi dahil sa dami ng kanyang "natulungan".

1 comment:

  1. buti na lang hindi pa ginagawang Santo ng simbahan si Tim Tebow na taga Makati (pero walang nakakakilala). ay teka ...

    ReplyDelete