Ang Taong Grasa

Taong Grasa ang makabagong ermitanyo. Hawak nila ang lihim ng mundo.

Taong Grasa ang ilan sa pinakamayaman sa mundo. Gasolina ang pampaligo,  Krudo ang shampoo.

Taong Grasa ay suplado. Hindi mahiyain, suplado lang talaga.

Taong Grasa ay Superhero. Minsan puwede rin kaming pangulo, alagad ng Diyos, bangkero, mekaniko at ang pinakamatindi si Kristo.


Taong Grasa ay makakalikasan. Libangan namin ang mag-recycle ng gamit, damit at pagkain. Maliit din ang aming carbon footprint dahil mahilig maglakad.

Taong Grasa ay futuristic.Parang Albert Einstein o kaya'y Galileo Galilee na kung mag-isip ay una sa panahon.


Taong Grasa ay mapagkakatiwalaan. Siguradong hindi namin ipagsasabi ang nabanggit mong lihim.


Taong Grasa ay fashionista. Fashion statement namin ang pagiging marumi at gusgusin.

Taong Grasa ay techie. Laruan namin ang magbutingting ng kung ano-ano.

Taong Grasa ay in-love palagi. Kumakanta kahit mag-isa, sumasayaw kahit walang kapareha, may ka-date kahit walang pera.

No comments:

Post a Comment