February 11, 2012

Taong Grasa

Taong Grasa
ni takyo

pagbangon sa umaga
araw ay masisilayan
wala ni bintana
wala ring kayamanan

magsisimula ng paglakad
patungo sa kung saan
paa'y kaladkad
di man lang nahuhugasan

sa kanyang mga buhok
bakas ang ligalig
sa kanyang mga kuko
lungkot ang pahiwatig

pagsapit ng tanghali
tiyan ay kumakalam
uupo na lang sa tabi
gutom ay pagbabawalan

wala raw sa tamang isip
siya'y pinandidirihan
butas na damit pantakip
balot sa putik ang kagandahan

ngunit sila ay mas mapalad
problema'y di alintana
di sila huwad
kasiyahan ay makikita

gabi ay didilim
lahat magpapahinga
sa karton sila'y lilimlim
yan ang buhay ng taong grasa

(originally published at http://www.thedigitalpinoy.org/thread/8/2737/)





No comments:

Post a Comment