January 24, 2013

Birthdays are more fun at the Senate



Ito ang pamatay na video para sa mga Taong Grasa.

Inihanda ang  video para sa ika-50 kaarawan ni Atty. Gigi Reyes, na mas kilala bilang chief of staff ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Kamakailan ay malaking kontrobersiya ang kinasangkutan ni Gigi dahil sa banat ni Sen. Alan Peter Cayetano na pumapapel bilang ika-24 na senador ng bansa si Gigi.



Nagkairingan ang dalawang senador at si Manong Johnny ay hindi lamang nag-hysterical bumanat pa siya ng pailalim at naging historical.

Kinana ni Manong Johnny ay diumano'y mga utang ni dating Sen. Renato "Kompanyero" Cayetano na nagkakahalga ng P35 million.

Maging si Gigi Reyes ay pumasok sa kontrobersiya at kumana laban kay Peter.

Sa video sa itaas ay makikita natin na tila tama ang sinasabi ni Alan. Kitang-kita sa video ang impluwensiya ni Gigi kay Enrile, kay dating Pang. Joseph Estrada sa mga anak nitong si Sen Jinggoy Estrada at half-brother nitong si Jayvee Ejercito Estrada na kumakandidato rin bilang senador.

Imagine, napasayaw sa video ang mga kagalang-galang na Senador.

Kaya sa susunod na halalan, kayo po ang humusga, dapat pa bang iboto ang mga kandidato ng UNA.

Ipagpag natin ang mga senador na ito kasama ang anak ni Enrile na si Jackie na kumakandidato rin sa pagka-senador. Sabi nga nila, kung ano ang pundo, siya ring bunga.

Nasa ibaba pala ang screen shot ng mga komento ukol sa video.



No comments:

Post a Comment