January 5, 2012

Lakas tama sa McDo



Alam nating nakaka-adik ang mga pagkain sa Mcdonald's. At inamin ito ng fastfood company sa pamamagitan ng video sa itaas.

Makikita sa video na kapag kumain ka ng Mcdonald's ay magha-halucinate ka. Kung ano-ano ang makikita mo. May unicorn, may teddy bear na nagmamaneho ng sasakyan at may mga giant lego na iba-iba ang kulay.


Kaya't hindi nakakapagtaka ang reaction ng babae sa video sa itaas. Nagwala siya nang hindi maka-order ng paborito niyang McDonalds food. Hindi niya nakaya ang withdrawal symtoms na kanyang nararamdaman.


Hindi ko rin maintindihan kung bakit walang reaction ang Simbahang Katoliko sa naunang video na ipinapakita kung paano ka magha-hallucinate kapag kumain ng McDonald's Breakfast Meal samantalang ang laki ng kanilang pagtutol sa ikatlong video na nasa blog na ito na diumano'y malaswa at may ibang mensaheng ipinapakita.

Sa naunang video, ano sa tingin ninyo ang ipinapakitang mensahe?

No comments:

Post a Comment