December 23, 2011

Lindsay Lohan on Playboy


Bumebenta na parang bibingka ang January-February 2012 issue ng Playboy magazine. Ang dahilan ay nag-pose ng nakahubad si Lindsay Lohan, ang sikat at kontrobersiyang Amerikanang aktres.

Ayon sa balita, mismong si Hugh Hefner, ang may-ari ng magasin, ang nagsabing binasag ng naturang edisyon ng Playboy ang ilang records.

Sa magazine, ginaya ni Lohan ang pose ni Marilyn Monroe sa 1953 launching ng panglalaking babasahin. Pero kung ihahambing ang kanilang kinitang salapi, masasabing barya-barya lang ang naibulsa ni Marilyn dahil $50 lamang ang ibinayad sa kanya samantalang halos umabot sa $1 milyon ang pinirmahan ni Lindsay.

"The Lindsay Lohan January-February Double Issue is breaking sales records," ani Hefner sa kanyang Twitter account nitong Linggo.

Sa tingin ko, photoshopped ang karamihan sa mga pictures kaya hindi lumabas ang natural na ganda ni Lindsay, na ang career ang naapektuhan ng kanyang pagiging alcoholic kaya't napilitang ipakita sa publiko ang hubad na katawan upang kumita ng pera.

Hindi ko naman siya mahuhusgahan dahil mas higit pa sa pagpapakita ng utong ang ginagawa ng iba upang makaalpas sa pagkabangkarote.

Bago humaba ang post na ito, merry christmas sa mga tambay ng Taong Grasa Collective at nawa'y nagustuhan ninyo ang larawan ni Lindsay. Happy New Year na rin.

No comments:

Post a Comment