Dahil sa dami ng mga equpment na ngayon ay ginagamit upang maka-access sa internet, kinukulang na nag mga Internet Protocol (IP) addresses. Dahil dito naglunsad ang Google ng panibagong sistema upang madagdagan ang mga addresses. Sa kasalukuyan, ang ginagamit na mga addresses ay nakabase sa IPV4, na ilang bilyon lamang ang puwedeng mabigyan ng address.
Sa ilalim ng IPV6, trillion ang puwedeng mabigyan ng address. Naisip ito dahil sa ngayon pa lamang ay bilyon na ang bilang ng mga mobile gadgets na puwedeng mag-access sa internet.
Eh sa darating na panahon, hindi lamang mga electronic gadgets kungdi maging pangkaraniwang mga gamit ay kakailanganing mabigyan ng IP address.
Isang ehemplo nito ay ang mga bombilya sa bahay na gusto natin i-automate sa pamamagitan ng internet o kaya ay ang mga gripo na gusto nating mabuksan o maisara sa pamamagbitan ng internet.
Nakakawindang, di ba?
Buti na lang kaming mga Taong Grasa, nakikigamit lang ng computer o kaya'y nakikikabit para makakuha ng internet access.
ito na ba ang bagong "y2k" scare?
ReplyDelete