June 19, 2012

Boys at the Back!


"Boys at the back, QUIET, PLEASE PAY ATTENTION!!"
-Maám Terry Ball


Sinong estudyante/naging  estudyante ang walang kilalang  “Boys at the back”? Halos lahat ng henerasyon ng mga mag-aaral ay may kilalang boys at the back. Lahat ng kilala kong guro ay may binansagang ganyan.

Sila yun grupo ng mga mga lalake sa likod na laging maingay. Yun halos hindi nakikinig. Sila ang pinaka-pilosopo sa klase. Sila yun laging nasisita ng teacher dahil sa kakulitan. Sila yun may sariling business sa likod. Sila yun sakit sa ulo. Sila ang pinakamatalino, pagdating sa kalokohan. Kung tahimik sila, malamang tulog yun o kaya nanonood ng porn gamit ang cellphone.

Bakit ba sila maingay sa likod? Kasi alam nila na hindi sila kapansinpansin sa likod. Mas madaling magtago kapag nasa likod, kaya mas madali sa kanila ang mag-ingay. Kasi pakiramdam nila mas kaunting atensyon ang binibigay sa kanila. Pwedeng alam nilang hindi sila pinapansin-kaya nagpapapansin (Psychological?) o may problema sa pamilya kaya ganoon ang ginagawa sa school.

 Pero, kasalanan ba nila kung bakit sila maingay? Hindi kaya dahil sa dami ng estudyante, at  layo nila sa harap ay hindi na nila naririnig o nababasa ng maayos ang lesson? Pero naririnig nila ang maling sinabi ng guro at nakikita ang butas sa kilikili ng damit ni  maám .

O baka hindi sila interesado sa subject? Pero bakit sila hindi interesado? Dahil siguro boring yun teacher, Hindi kasi marunong mag-dota si maám at sir kaya hindi sila maintindihan (Generation Gap?) Mas maganda kasi manood porn, kesa making sa teacher. Saka saying ang unlitext/call kung hindi nila masusulit. Hindi kaya sumasalamin lang sila sa kalidad ng edukasyon na meron tayo? Hindi kaya biktima lang sila ng sistema sa edukasyon? Hindi kaya repleksyon lang sila ng hindi patas na pagbigay ng karapatan.
Kasalanan ba nilang nasa likod sila? Hindi, alphabetically arrange eh, wala silang choice.

Bakit nga sila maingay sa likod? Kung sabagay mahirap kasi kung sa harap sila mag-iingay, madaling asintahin ng eraser.

June 17, 2012

Giyerang Online Part 1


Kaming mga Taong Grasa ay mahilig sa libre. Libreng mp3, libre mp4 o anumang video sa iba't ibang format o maging mga libreng software. Hindi namin ikinakaila na piratang software ang nagpapatakbo sa aming mga notebooks, PCs at maging sa aming mga cellphones.


Pirata rin ang aming telepono. Ang tawag dito ay Blueberry minsan naman ay Redberry. Depende sa kulay ng case. Tinatawag din itong china phone, na ang motherboard ay mula sa Taiwan at in-assemble sa mga factory sa China. Maging ang mga software na ikinakarga sa mga teleponong ito ay pinirata.

At dahil napakaraming Taong Grasa, hindi lamang dito sa Pilipinas kungdi maging saang parte ng mundo, marami ang gumagamit ng mga piratang software at hardware.

June 7, 2012

The New Internet is Here and it is called IPV6


Dahil sa dami ng mga equpment na ngayon ay ginagamit upang maka-access sa internet, kinukulang na nag mga Internet Protocol (IP) addresses. Dahil dito naglunsad ang Google ng panibagong sistema upang madagdagan ang mga addresses. Sa kasalukuyan, ang ginagamit na mga addresses ay nakabase sa IPV4, na ilang bilyon lamang ang puwedeng mabigyan ng address. Sa ilalim ng IPV6, trillion ang puwedeng mabigyan ng address. Naisip ito dahil sa ngayon pa lamang ay bilyon na ang bilang ng mga mobile gadgets na puwedeng mag-access sa internet. Eh sa darating na panahon, hindi lamang mga electronic gadgets kungdi maging pangkaraniwang mga gamit ay kakailanganing mabigyan ng IP address. Isang ehemplo nito ay ang mga bombilya sa bahay na gusto natin i-automate sa pamamagitan ng internet o kaya ay ang mga gripo na gusto nating mabuksan o maisara sa pamamagbitan ng internet. Nakakawindang, di ba? Buti na lang kaming mga Taong Grasa, nakikigamit lang ng computer o kaya'y nakikikabit para makakuha ng internet access.

June 6, 2012

Aguinaldo, pekeng rebolusyonaryo!!!

Kung buhay kaming mga Taong Grasa noong nag-alsa ang Katipunan laban sa mga Kastila, malamang kasama kami ni Andres Bonifacio ng Magdiwang at hindi ng Magdalo ng pekeng rebolusyonaryong si Emilio Aguinaldo.

At malamang din kasama kami sa pinapatay ni Aguinaldo.


Hayop itong si Aguinaldo, hindi lang kriminal kungdi isa ring makapili. Hindi pa naipapanalo ang rebolusyon ay ibinenta na ang bansa sa mga Amerikano.

Opo, mga kapwa Taong Grasa, Amboy si Aguinaldo bago naging makapili,  nakiapid at nakipagkutsabaan at sa mga Hapon.

Sa Deklarasyon ng Kasarinlang pinirmahan ni Aguinaldo sa Malolos Congress ipinahayag ng sinasabing unang pangulo ng Republika ng Pilipinas ang kanyang taimtim na pagsaludo sa mga Amerikano.