Ang MNL 143 ni Emerson Reyes , na entry sa 8th
Cinemalaya Independent Film Festival ay tinanggal sa New breed category finalist.
Dahil lamang sa kadahilanang sabi ng Cinemalaya Organizing Committee na hindi akma
na si Allan Paule bilang bida, at si Joy Viado bilang leading actress.
Labo nyo men.Sabi ni
Robbie Tan, Cinemalaya Monitoring Head sa Isang interview sa PEP "We
did not like his casting... We believe na hindi magwu-work." (referring to
casting of MNL 143). Ang movie na MNL 143 ay kwento ng isang lalake na
naghahanap ng kanyang long lost love. Dagdag pa n Tan "'Pag
may romance angle, at least, kahit papaano, importante yung chemistry nung
dalawang artista.” "So, dapat yung
chemistry nun, dapat magwu-work." Sabi pa ng board ng
Cinemalaya ” competence,
suitability to the role, and greater audience acceptability.”
Labo mo men, bakit pa tinawag na Cinemalaya kung
mawawalan ng kalayaan ang mga artists? Di kaya masyado na naman kayong
nagpapaka-safe? Sabi nga ng favourite quote ko from Kids of America “Art doesn’t
meant to be safe”
Wow men, lakas tama! Dahil lang sa ayaw ng cast
disqualified na? Dahil walang Chemistry? Sino ba nagsasabi na sa isang pelikula
dapat may chemistry ang magkapartner? Bakit pa sya tatawaging Cinemalaya kung
ikinakahon lang naman pala natin ang mga ideya?
Baka masyado na tayong nagpapaalipin sa commercialism.
At nawawalan natayo ng pagtingin sa kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan
ng sining.
Tatapusin ko na ang artikulong
ito sa pamamagitan ng isang quote mula sa isang producer/writer na si Raymon
Lee, Sabi nya “I'm sure they're sure they're right. but it's not always about
being right. this festival was supposed to be about giving filmmakers,
especially young, beginning filmmakers, the freedom to make their films their
way. and yes, that includes the freedom to make their own mistakes. “
No comments:
Post a Comment