Hindi People Power ang naalala ko kapag buwan ng Pebrero kungdi ang diktador na si Marcos.
Kami kasing mga Taong Grasa, kahit hindi kumakain ng masustansiya, nananatiling matalas ang alaala.
Hindi rin si Cory, si Ninoy o mga dilaw na kamiseta, kungdi si Marcos o mas partikular na ang pagpapalayas sa diktador sa poder ng kapangyarihang kanyang hinawakan ng 20 taon.
Alalahanin natin sa muling pagdiriwang ng orihinal na People Power na lahat ay magwawakas, lahat ay may hangganan.
Naiisip ko tuloy ngayon, ano kaya ang pinag-uusapan ni Marcos at ni dating Libyan strongman at dictator Mumar Qadaffi sa kabilang buhay?