Walang wangwang, walang utak pulbura, walang helmet.
Dapat yatang isama sa talumpati ni PNoy ang mga pulis, barangay police security officers at Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers na hindi naghe-helmet.
Isang nakakasukang ehemplo nito ay ang traffic enforcer sa itaas na ang gamit ay ang motorsiklong may pasong rehistro at may plate number bilang SF 6640.
Ano ba yan kuya?
Ito ay para rin naman sa kanilang kapakanan. Pero ang nakakapanggalaiti sa mga ito ay tila binabalewala ang batas sa pagsusuot ng helmet.
Pero kapag sila ang nakatiyempo ng mga pangkaraniwang motorista na hindi naka-helmet ang lalakas ng loob na manghuli pero ang mga kabaro nila hindi nila masuwete.
Ano ang masasabi n'yo rito, DILG secretary Jesse Robredo, QC Mayor Herbert Bautista at Metropolitan Manila Police Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino?
Maituturing na ring impunity ito di ba Pinoy Jedi?
Ang lakas ng loob magsuot ng BPSO t-shirt gayong lumalabag sa batas ang mamang ito.
Ang pinakamatindi ay ang pulis na ito. Naka-uniporme, nakatsapa, may baril sa kanang tagiliran, pero ang intindi yata sa cap ay helmet. Nakakarindi ang mga ito kung paano balewalain ang batas sa pagsusuot ng helmet.
By the way, ang mga photos na ito ay kuha ni Jedi Pinoy. Maari ninyong sundan ang kanyang twitter account (@jedipinoy) at blog (http://edchavez.wordpress.com/).