March 27, 2012

Fashion "watching"

Kaming mga Taong Grasa, mahilig kami sa fashion. Hindi ang pagbili ng mga fashionable items dahil ayaw rin naman naming maging fashion victim.

Higit sa lahat mahilig kami sa fashion "watching" tulad ng video sa ibaba. Kay gandang panoorin.



March 20, 2012

Hitler toilet-paper wants you to add the mustache - Boing Boing

Hitler toilet-paper wants you to add the mustache - Boing Boing

Magandang ideya ito ah. Lalagyan mo ng bigote si Hitler kapag ginamit mo ang toilet paper.

Dito kaya sa Pinas puwede ito? Hindi naman kasi masyadong mahilig gumamit ng toilet paper ang mga Pinoy, ang gusto natin ay hugas kaysa punas.

Pero kung dito ito gagawain sa Pinas, kanino puwedeng gawain?

Hindi naman puwede sa yumaong diktador, mandarambong at human right violator na si Ferdinand Marcos o kaya sa kanyang anak at tagapagtanggol na si Sen. Bongbong sa kabila ng mga ebidensiya.Pareho sila walang bigote.

Hindi rin naman puwedeng si Gloria Macapagal-Arroyo at ang kanyang asawang si Atty. Mike Arroyo. Lalong hindi puwede ang kanyang mga anak na si Mikey, Datu at Luli. Lahat sila walang bigote.

Yong kayang mga heneral na tumanggap ng "pasalubong" at "pabaon"? Parang walang nakabigote sa kanila.

Si Sen. Lito Lapid kaya?